Chapter 6

4.7K 103 3
                                    

Chapter 6

[Lahat na po ng POV ay kay Fiona na, hehe!. Bonus ko lang po kasi yung apat na POV kay Reyner, hehe :) para naman malaman niyo ang totoong kulay niya. Hehe. Sorry kung medyo Bading yung pagka-gawa ko. Anyway! Ito na guys :) Enjoy :D]

 

-Bernice Charis Sy Cristobal / Fiona Sy Cristobal POV-

 

Buong maghapon nang hindi pumasok si Reyner sa opisina niya, ang bigat talaga ng dibdib ko sa tuwing nakikita kong nasasaktan siya nang dahil saakin, pero paano naman ako? Nasaktan din naman ako diba? Nasaktan din ako ng dahil sakanya, nagtangka pa nga akong magpakamatay ng dahil lang sa kahibangan sakanya.

Napangisi ako, lahat nang pagkitil sa buhay ko ginawa ko na noong nakalipas na limang taon, kaso heto pa din ako nakaharap sa kanya at nagkukunyareng nagka-amnesia.

I just want to clarify things,

Mahal niya ba talaga ako?

Or.

Minahal niya ba talaga ako?

Magkasabay kaming naglalakad ni Rozen palabas ng kompanya nila Reyner habang siya ay nakaakbay saakin. Sanay na din naman ako kay Rozen, he’s so liberated kahit na gay siya. Gusto niya palaging dumidikit saakin, ewan ko ba diyan. Linta kasi iyan kung makalapit saakin, ayaw nang humiwalay at nagustuhan niya rin yung plano nila Nica kaya palagi kaming magkasama.

Pasakay na sana kami ng kotse ni Rozen nang biglang may nag-park na isang blue na sasakyan sa tabi nang kotse ni Rozen…

Teka,

Alam ko itong kotse na ito ah. Hinintay namin ni Rozen ang pagbaba noong tao sa sasakyan, hindi nga ako nangkamali, its Reyner.

Tumingin lang siya saglit saakin at agad na sinarado ang pinto nang sasakyan niya. Nakita ko siyang naglakad papunta saakin.

In 5 years na wala siya sa tabi ko, ang dami nang nagbago.

Yung features nang mukha niya mas lalong nag-iba,

Yung katawan niya mas lalong kumurba, mas lalong tumigas. I wonder kung malalaki na ba yung alaga niya sa tiyan kasi noong huli ko itong nakita, nakaka-WOW na, ngayon kaya? Na-curious tuloy ako.

Oh please. Fiona anong iniisip mo.

Pero kasi ang perfect nang mukha niya at yung tindig niya din… almost perfect. Kaya hindi ako magtataka kung halos lahat ng babae ay mapapa-nganga niya sa sobrang kakasigan niya.

Pwede na siyang ipanlaban sa mga Male Magazine…

Napalunok ako ng nasa harap ko na siya.

“Rozen can I borrow your girlfriend for a while” kitang kita ko mula dito kung paano siya ngumiti kay Rozen. O god, yung ngiting yun, alam kong kahinaan iyon ni Rozen at hindi na nga ako nagkamali.

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon