Chapter 7
Hindi ko alam kung ano ang nangyare saakin, pero isa lang ang naisip ko, kailangan ko nang alak sa mga oras na ito. Kailangan kong magpakalasing sa sarili kong problema hanggang sa kahit papaano ay makalimutan ko ang problema ko…
Habang nakatanaw ako sa mga batang naglalaro sa Park E bigla nalang tumunog ang Cell phone ko na nagpabalik saakin sa Reyalidad. Pinunasan ko muna ang luhang lumunlundas sa mata ko at agad na sinagot ang tumawag saakin.
“Hello!” ani sa kabilang linya.
“Yes.”
“Girl naman nasaan kana? Nandito na kami sa Nature’s Bar. Pumunta kana dito.” Aniya. Napatingin ako sa caller ko at hindi nga ako nagkamali, Si Nica nga ito.
“Ha! Ok sige, andiyan na ako…”sagot ko.
“Teka Girl, May problema ka ba? Parang ang lungkot nang boses mo.”
“Ha! Wala noh. O sige na papatayin ko na ito. Bye kita nalang tayo diyan.”
“Ha. Ok. Sige. Ingat ka ah.” Napangiti na lamang ako sa sinabi niya, kahit na puno na ako ng problema sa puso. Si Nica lang talaga ang taong hindi sumuko saakin. Nakakatuwa lang kasi nakatagpo ako ng kagaya niya.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagsimula nang maglakad papunta sa paradahan ng mga taxi. Sinuri ko isa-isa ang mga couples na nakakasalubong ko, Hay! Mararanasan ko rin ba ulit yung puro saya lang? yung simpleng mag-couple lang kayo, yung parang kayo lang ang tao sa mundo kung maglambingan…
Sana naman hindi pa huli…
Naipikit ko ang mata ko para limutin na yung mga iniisip ko. Kaya ako nai-stress eh, puro mga tungkol sa love ang iniisip ko. Hay!.
Pagkarating ko sa paradahan ng Taxi, inalok niya lamang ako. Mukha namang mapagkakatiwalaan ang Driver kaya sumakay na ako.
“Saan pa tayo Mam!” ani nang Driver saakin.
“Sa Nature’s Bar po.” Sambit ko habang nakatingin sa bintana.
Hindi na ulit nagsalita ang Driver, siguro masyado niyang pinagtutu-unan ng pansin ang daan.
“Mam siguro po about sa lovelife ang problema niyo?” biglaang tanong ng driver na nagpalingon saakin.
“Ha!”
“Masyado po kasing obvious ang reaksyon ng mukha niyo…”
Umiiyak ba ako na hindi ko namamalayan,? pero hindi naman, ah! Ganoon ba talaga ako ka-obvious?.
“Alam niyo po Mam, yung misis ko mahal na mahal ko iyon. Kaya nga noong kabataan namin hindi ko na talaga siya pinakawalan. Kasi natatakot ako nang mga panahong iyon, baka kasi may mahanap siyang iba bukod saakin.” Nakangiti niyang kwento saakin. Pinapatamaan ata ako ng Driver na ito ah. Sakit ah! Tagos sa puso…
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...