Chapter 16

4K 108 8
                                    

Chapter 16

WWAAARRRRNNNIIIIIINNNNGGGGGGGG……

EEEESSSSS---PPPPPEEEE----GGGEEEEEEE

 

[BAWAL SA MGA BATA]

 

Napangiti ako ng Makita ko ang sarili ko na hawak hawak ang kamay niya. Hindi ko inaakala na dadating ulit yung time na ito, yung hahawakan niya ulit ang kamay ko habang sabay namin nilalandas ang kahabaan ng condominium niya.

*Ding*

Napahakbang kami sa loob nang Makita namin ang pagbukas ng elevator, may pinindot siya iyon na ata ang floor ng condo niya.

“Bakit ka nakangiti?” napatingin ako sakanya ng wala sa oras at doon ko lang napansin na ang lapad na pala ng ngiti ko.

“Ha!”

Ginulo niya lang ang buhok ko at ngumiti na din ng malapad.

“Reyner!” tawag ko sakanya

“Hmmm”

“Hindi ka ba napapagod?” wala sa sariling tanong ko

“Saan?”

“Sa paghabol saakin, hindi ka ba napapagod na ibalik saakin ang memories ko.”

Napaknuot ang noo niya sa tanong ko at kasabay noon ang seryosong pagtitig niya saakin.

“Hindi.” Sagot niya. Napatitig ako sa mata niya, seryosong seryoso ang mga ito habang nakatingin saakin…

Naiilang na ako sa mga titig niya kaya iniba ko nalang ang direksyon ng paningin ko. Kinakabog na din ng sobra ang dibdib ko.

Ramdam ko pa din ang mga titig niya aakin kahit na alam kong ilang minuto na ang dumaan. Bakit ganun ang bagal naman ng elevator ngayon, para bang slowmotion ang pagandar nito. Sana man lang may sumakay para kahit papaano mawala itong pagkailang ko sakanya.

*Ding*

 

Sa wakas nasa floor na nila kami… Bumukas na ang elevator hahakbang na sana ako nang bigla siyang may pinindot sa elevator at biglang nagsara ulit ito…

“Tara na!” ani ko.

“H-Hindi ako titigil sa paghahabol sayo hanggat hindi mo inaamin saakin na ako lang ang mahal mo at ako lang ang mamahalin mo” napatulala ako sa mga sinabi niya.

At ngayon, papalapit na siya ng papalapit saakin hanggang sa macorner na niya ako.

Hinawakan niya unti-unti ang baba ko hangang sa tuluyan na niyang inangkin ang labi ko. Hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pero gayunpaman gustong gusto ko ang ginagawa niya.

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon