Chapter 15
“Talagang dito pa talaga kayo naglambingan sa daanan Ah!” may bahid na pagkainis na sambit niya.
“Tell me Bernice. May naaalala kana ba?”
Sheettt…
Sheetttt…
Anong gagawin ko?.
“Ha!? What do you mean?” palusot ko.
Kumunot ang noo niya sa tanong ko at mukhang sinusuri niya ang reaksyon ng mukha ko.
“Are you lying to me?” mas lalong kinabog ang puso ko sa tanong niya.
“Ano bang sinasabi mo?”
“Para kasing may tinatago ka saakin at napapansin ko lang, pinagtataguan mo ba ako?” Shit shit shit…
“Ha?”
“Lately kasi hindi na kita nakikita, kung hindi pa kita sinundan hindi pa kita makikita.”
So ibig sabihin, sinundan niya ako?.
Nakaramdam ako ng saya sa puso ko kahit na kinakabahan parin ako. Hinanap at sinundan niya ako. Ibig sabihin, miss na niya ako…
Napalunok ako para medyo makabwelo at makahanap ng salitang pwedeng sabihin.
“Ha? Ano ka ba. Baka nate-tyempuhan mo lang talaga na wala ako sa Office.” Ngumiti na lang ako ng pilit, Lord sana makalusot. Huhu! Alam kong nagtataka na siya sa kinikilos ko, pero wala akong magawa.
Ang sabi lang saakin nila Nica, maghintay lang daw ako ng mga sign para sabihin ko na sakanya ang totoo.
“Are you sure?”
Tumango ako…
“Kilala mo ba yung lalaking kausap mo kanina ha?” biglang singit niya sa pananahimik ko.
O lord anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba ang totoo o hindi… Hindi ko na mabilang kong nakailang lunok na ako ng laway ngayong gabeng ito… kinakabahan ako sobra sa tanong niya…
“Ha!” patay malisya na sagot ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig… huhu! Anong gagawin ko. Kinakabahan na talaga ako, Lord Help me naman po.
Iniiwas ko ang tingin ko sakanya, masyado kasi itong matalim kung makatingin saakin.
“Fiona, tinatanong kita.” Pamimilit niya.
Nica, Rozen, Kuya HELP ME!...
“Ah iyon ba. Nai-kwento ka-” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang bumuhos ang napakalakas na ulan.
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...