Chapter 23

4K 103 0
                                    

Chapter 23

“Hey Mahal na Prinsesa, gumising kana diyan!” napabalikwas ako sa malakas na pagkatok sa kwarto ko…

“Hey Mahal na Prinsesa.” Idinilat ko na ang mata ko. Ang lakas naman maka-katok itong si Kuya. Tss.

Bumangon na ako para pagbuksan siya ng pinto.

“What?” singhal ko.

“Umayos ka nga, ang baho ng hininga mo.” Saad niya sa akin at mabilis na nagtakip ng ilong. Napa-amoy naman kaagad ako sa bibig ko. Hindi naman ah…

Babatukan ko na sana yung halimaw na iyon ng bigla na siyang mawala sa paningin ko.

Naisahan ako ng Halimaw na yun ah. Humanda iyon saakin…

Imbes na pataasin ko ang dugo ko sa pagiintindi doon sa halimaw kung kapatid, dumiretso na lang ako sa Cr at mabilis na naligo. Ang sabi kasi saakin ni Reyner ay baka sunduin niya ako ngayon. Medyo maaga pa naman.

Nang matapos ako sa pagligo at pagbibihis, bumaba na kaagad ako sa may Sala nila Kuya at umupo sa may kusina, nakita ko kasi na naghuhugas ng kamay ang halimaw kung kapatid, at kailangan bago pa ito mawala sa paningin ko, kailangan ko munang makaganti ng batok dahil sa paninira niya ng umaga ko. Haha.

Dahan dahan akong naglalakad habang wala siyang kamalay-malay na nasa likod na niya ako. Itinapat ko na ang kamay ko sa ulo niya at naghanda ng tumakbo ng bigla siyang humarap saakin kaya ngumiti na lamang ako at isang malakas na batok ang natanggap niya mula sa precious kung kamay.

WHAHAHA! Nakaganti din.

Humarurot ako ng takbo palabas ng bahay at sakto naman ang dating ni Reyner, kaya hindi na talaga ako naabutan ng halimaw kong kapatid.

“Mukhang naghaharutan pa kayo ni Charles ah.” Pambungad saakin ni Reyner.

“A iyon ba, ginantihan ko lang iyon.” Sagot ko naman.

“Bakit ano baa ng ginawa niya?”

“Ininis niya lang ang umaga ko. So lets go na.” saad ko.

Ngumiti din naman siya at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Habang nasa byahe kami, napapansin ko lang ang pagka-tahimik niya. Ano kaya ang problema nitong lalaking ito?.

“Babe ang tahimik mo ata ngayon.” Pambasag ko ng katahimikan.

Tumigil ang sasakyan niya katunayan na traffic. Mabilis siyang tumingin saakin at pilit na ngumiti.

“Wala, naaalala ko kasi yung sinabi noong producer kagabe.” Sagot niya.

“Ang alin doon?” tanong ko,

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon