Chapter 5

4.6K 111 3
                                    

Chapter 5

 

Third Person POV

Naiwang nakatulala doon yung babaeng waitress habang nag-uunahan naman ang luha niya sa pagbagsak. Nilapitan na siya ng mga kasamahan niya at pilit na pinapakalma.

“Ganun talaga si Sir, intindihin mo nalang!” ani nila.

“Pero, wala naman akong ginawang masama, tinanong ko lang naman kung ano ang order niya tapos sinabihan niya kaagad ako ng ganun.” Pagtatanggol niya sa sarili niya.

“Baka may nangyareng hindi maganda sakanya sa taas kaya ikaw ang napag-balingan. Ganun kasi siya.”

Hindi na nakapagsalita yung waitress, umiyak nalang siya ng umiyak doon. Wala na siyang magagawa, wala na siyang trabaho.

Sa kabilang banda hindi nasikmura ni Fiona ang nasaksihan niya. Gusto niyang batukan si Reyner ngayon palang, paano niya nagawa ang ganun. Inaproach lang naman siya noong tao, ni hindi nga siya natapunan nang kung ano-ano eh.

“Fiona, huwag ka nang makialam…” ani sakanya ni Rozen.

“Anong hindi maki-alam? Eh nasisante yung babae na wala naman ginawang kasalanan. Sa tingin mo matatahimik ako?” galit na sambit niya.

“Malay mo may nangyare na hindi lang natin nakita…”

“Hindi Rozen eh, alam kong walang ginawa yung waitress, tinanong lang niya kung ano yung order, tapos sinabihan na kaagad siya ng ganun. Naiintindihan mo ba ako?”

“Ou naman naiintindihan kita, nakita ko din naman yung ginawa niya pero pwede bang kumain muna tayo…” kanina pa kasi nagugutom si Rozen at kanina niya pa gusto saksakan ng pagkain ang bibig ni Fiona para lang matigil ang pagkainis doon kay Reyner.

“Just wait here, may gagawin lang ako.” Ani ni Fiona at bigla nalang tumayo…

 

‘ok bahala ka, lovelife mo yan, suportahan kita’ sabi nang isip ni Rozen at agad na sinunggaban ang pagkaing nasa harap niya.

Hinanap ni Fiona si Reyner sa parking lot ng Kompanya, gusto niya itong pagsabihan dahil doon sa ginawa niya sa empleyado.

‘Nakakainit kasi ng ulo yung mga ganoong tao, yung wala ka namang ginawang kasalanan tapos bigla kang patatalsikin sa trabaho, ni hindi niya nga alam kung ilan ang binubuhay ng babaeng iyon…’ sabi nang utak ni Fiona.

“Grabe si Sir, ang gwapo niya talaga…” may narinig siyang dalawang naguusap sa di kalayuan.

“Ou nga, nakita mo ba yung aura niyang galit, Grabe nakakahimatay. Tindig palang…”

“tapos nakita mo ba yung pagtanggal niya ng isang butones ng Polo niya, OMYGOD. Nag-init kaagad ako…”

Nilapitan ni Fiona yung dalawang babaeng nag-uusap kasi sigurado siya na si Reyner ang pinaguusapan ng mga ito. Description palang Reyner na.

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon