Chapter 8
“Hoy Mahal na Prinsesa, gumising kana diyan! May trabaho ka pa. uy!” putek naman yan, ang ingay ingay. Nakakarindi…
Bumangon ako sa hinihigaan ko at pinagbuksan ang halimaw na bumulabog ng tulog ko.
“Ano na naman ba yun? Pwede bang patulugin mo muna ako?”
“Hoy! Bernice hindi purket nandito ka sa pamamahay ko eh, pwede ka nang gumising kung kelan mo gusto?. Tumayo kana diyan! Naghanda si Amazona ng pagkain…” aniya at agad na nag-pout paalis sa pintuan ng kwarto ko.
Tss. Bwisit! Bakit ba kasi ako napunta sa Halimaw na ito. Simple lang naman, ayaw nila Mommy na payagan akong magstay sa Mansion or Palasyo namin ng magisa. Natatakot kasi sila na baka ulitin ko yung ginawa ko sa States. Tss.
Naligo na ako at nagbihis na nang pang-opisina at ready nang kumain nang may narinig akong nag-aaway sa may kusina.
“Walangya kang Anaconda ka! Ano suntukan nalang tayo oh!” panghahamon ni Ate Chessy kay Kuya.
“Aba!... ako pa talaga ang hinamon mo ah” nakita kong itinaas ni kuya ang damit niya sa may braso para siguro ipakita ang kamao niya kay Ate Chessy.
“Sige lumapit ka dito, at magsuntukan tayo!” sambit ni Kuya.
Natatawa nalang ako sa nakikita ko sakanila. Haha!. Bagay na bagay talaga silang dalawa. I love ate Cheesy for my kuyang bakulaw, feeling ko siya lang ang magpapatino dito.
“Ano angal ka pang Anaconda ka! Wala Karin pala eh!” sambit ni Ate Chessy habang pinipilipit niya ang kamay ni Kuya.
“Hoy! Amazona, ang sakit na nang kamay ko ah, masakit na talaga.”
“And so? Maganda nga yun E, para hindi kana talaga makalaban sa iyong Master.. Whahahaha!” at tumawa pa talaga si Ate Chessy na parang siya yung kontrabida sa mga superhero na palabas. Nakakaaliw.
“Hoy. LESBIAN! Masakit na talaga ang kamay ko, hindi ako nagbibiro…” pananakot ni Kuya.
“T-talaga? Naku! Gusto ko Makita yung itsura mo ngayon”nilagay ni Ate chess yang kamay niya sa may baba niya para makapag-isip.
“Ah alam ko na! ano kaya kung akyat muna tayo sa kwarto ko tapos kunin natin ang Camera ko para ma-instagram ko naman yang panget na pagmumukha mo…” pang-asar na sambit niya.
“WWHHHAAATTTT??” umuusok na ang ilong ni Kuya… natatawa ako sa itsura ni Kuya, parang gagawin talaga ni Ate Chess yang balak niya…
Pero Waiittt!!
Hala???? Patay na tayo, kawawa naman ang aking mahal na kapatid, huhuhu! May katapat kana ngayon…
Goodbye ka-gwapuhan… sure akong masisira ang image ni Kuya sa publiko. Haha!
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...