Chapter 26

4K 78 5
                                    

Chapter 26

 

[Warning: Bawal sa mga Bata]

SPG 

 

Gabe na din ng makapagdesisyon akong maglibot libot. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok. Dito na namin napagdesisyunan na matulog ni Reyner sa bahay nila Frank dahil ayaw pa kami pauwiin ni Jenef.

Umupo ako sa may bench malapit sa mga bulaklak.

“Hindi ka makatulog?” napatingin ako sa boses na biglang nagsalita. Si Frank pala.

“Ha. Hindi naman, ayaw pa kasi ako dalawin ng antok.” Sagot ko.

“Naku mukhang naninibago ka ah.”

“Hindi naman… siguro masarap lang pagmasdan ang paligid kapag gabe.” Sagot ko.

Tumahimik na din naman siya at tumingin sa paligid. Ang simoy ng hangin nararamdaman ko.

“So kailan ka pa nga pala nakabalik?” pambungad niya ng katahimikan.

“Matagal na. hindi ko na maalala.”

“Ah.” Napatingin ako sakanya.

“Ikaw kamusta ang buhay mo? Hindi ka ba nahihirapan?” tanong ko.

“Nahihirapan din, mas lalo na kung hinahanap ni Jenef yung Mom niya tapos di ko alam ang sasabihin ko.”may pangungulila na sabi niya.

Napangiti ako ng may maisip na itatanong sakanya.

“Bakit ka natatawa? Masaya ka siguro kung nahihirapan ako noh.” Baliw.

“Hindi ah. May naisip lang akong itanong sayo.” Sabi ko.

“Ano naman iyon?” napatitig ako sakanya.

“Wala ka bang balak mag-asawa?”

“Ha. Di ko pa masasagot yan. Kayo ni Reyner?” tingnan mo to, ako nagtanong saakin din binalik.

“Hindi ko pa masasagot yan. Alam mo na may mga gagawin pa ako.” Sabi ko.

Tiningnan niya lang ako ng makahulugang tingin at tsaka ngumiti.

“Sus kunyare kapa E pumapasok nadin naman sa utak mo ang pagaasawa… matanda na kaya tayo.” Saad niya.

Sabagay may point din siya doon sa sinabi niya…

Nanatili lang kami sandali doon sa may bench na iyon habang tinitingnan ang mga dahon na unti-unting nalalaglag sa puno … Naramdaman ko nang tumayo si Frank, marahil matutulog na itong lalaking ito.

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon