Chapter 20
“Goodmorning Babe!” bati saakin ni Reyner habang kakadilat palang ng mata ko.
“Good morning din.” Ani ko habang nakangiti.
“How’s your sleep?” tanong ko
“It’s good, katabi kita E.” napangiti ako sa sinabi niya.
“Ikaw?”
“Hindi?” sagot ko.
“B-Bakit naman?”
“Because- katabi kita? Haha- joke!”
“Ikaw talaga. Tumayo na nga tayo, kailangan mo pang makipag deal doon sa mag-iinvest doon sa business natin.” Aniya. Tatayo na dapat siya ng bigla ko siyang pigilan.
“Mamaya na. gusto pa kitang yakapin E.” pagmamaktol ko.
“Okay sige.” Humiga siya ulit. “Hindi ko alam na si Bernice pala ay aggressive pagdating saakin” aniya. Napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya.
“Kung ako aggressive, ano ka naman?” napaisip siya doon sa sinabi.
“Ako? I think Obsessed na ako sayo, di lang obsessed, obsessed na obsessed.”
Kinurot ko siya sa tagiliran niya, lakas maka-obsessed nang lalaking ito.
Natahimik kami sandali, ako pinapakinggan ko ang pagtibok ng puso niya. Nakapatong kasi ang ulo ko sa may puso niya, kaya ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Samantalang siya naman ay hinahaplos ang napakalambot kong buhok.
“Babe wala ka bang pasok?” tanong ko
“Meron pero baka di muna ako pumasok, gusto kita makasama sa araw na ito.” Aniya.
Patay. Kung hindi siya papasok baka malaman niya ang problemang kinakaharap ko. Nangako pa naman ako na lulutasin koi on ng mag-isa.
“E kung pumasok kanalang kaya, baka mas kailangan ka doon sa office ng Dad mo.”
“B-bakit ayaw mo ba ako makasama at pinapapasok mo ako?”
“Hindi naman sa ganun, kaya ko naman kasing ihandle ito. And besides ako pa? kilala mo naman ako diba? Ako ata si Bernice Charis Cristobal, ang Genius na si Bernice. Tingnan mo, makukuha ko itong investor na ito nang hindi pinaghihirapan.”
SHIT. Nagsisinungaling na ako sakanya. Huhu!
“Are you really sure about that?” tanong niya.
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...