Chapter 12

4.2K 101 2
                                    

Chapter 12

Tanghali na ako pumasok sa opisina nang kinaumagahang iyon, medyo isang balde ang naiyak ko matapos noong mga nalaman ko. Naka-sunglass nga ako ngayon E kasi halatang halata kasi na umiyak ako magdamag.

At as usual nakaharap na naman ako sa laptop at mga papeles na nandito sa opisina. Sa katunayan ayoko nga sana pumasok pero kapag naiisip ko ang mga tambak na gagawin sa opisina E wala akong choice kundi pumasok.

“Mam nandito po si Sir Rozen at may kasama po siyang babae” saad ng sekretarya ko.

“Okay sige!” bute nalang kahit papaano E konti nalang ang pipirmahan ko.

“Hey Girl musta ang buhay? inatake ka kahapon A. okay kana ba ngayon?” tanong saakin ni Nica.

“Ha. Ou! Mga walangya talaga kayo bakit niyo naman ako iniwan doon sa hospital ng mag-isa?”

“Hehe peace, ginawa namin iyon para masolo ka naman ni Papa Reyner, alam kasi namin na sabik na sabik na iyon sayo…” biglang singit ni Rozen

Tss. Mga baliw talaga.

“May dala kami para sayo, Ohhh!” sabay pakita nila ng mga pagkain. Ano yan peace offering?

Tumayo ako sa upuan ko at lumipat sa couch para kumain nang dala nila.

“Teka lang, mataas ba ang araw ngayon?” ani ni Rozen

“Hindi naman! Bakit?” sabat naman ni Nica.

“Yung isa kasi diyan, naka-sunglass pa E wala namang araw…” Tss. Pinapatamaan ata ako nitong dalawang to ah. Hindi ko na lang sila kinibo at kumain nalang ako doon pero sa kaharutan ni Rozen at sa kalandian, ayun nahulog yung sunglass ko dahilan para Makita nila ang namamaga kong mata.

“Anong nangyare diyan?” tanong ni Nica

“Ha ito ba, naku wala ito…”

“Naku huwag mo na ako lokohin na wala lang yan Bernice. Kilala kita, si Reyner na naman ba?”

“Wala nga ito Nica, promise!”

Sinamaan niya lang ako ng tingin, hay naku! Wala na akong magawa kundi ikwento sakanila.

Huminga muna ako ng malalim bago magkuwento.

Kinuwento ko simula noong nagpanggap akong natutulog hanggang sa malaman kong patay na si Jennifer.

“Do you mean she’s dead already?” gulat na tanong ni Nica.

Napatango ako…

“Kailan pa?”

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon