Chapter 10

4.1K 100 0
                                    

Chapter 10

“Good morning Mam” bati saakin ng secretary ko.

“Morning din…”

“Ah mam nasa loob po si Sir Rozen” aniya

Ngumiti na lamang ako at nagpatuloy sa pagpasok sa loob.

“Oh Girl long time no see!”

“Baliw kahapon lang tayo hindi nagkita, tapos long time no see agad?” asar ko sakanya.

“Owwsss Sarrry! Akala ko isang taon na, hindi kasi nag-eexist ang beauty mo Girl kasi nasasapawan ko…” bahala kana nga diyang bakla ka. Umupo na ako sa swivel chair ko at inasikaso na ang mga papeles na pinapapirmahan saakin. Ang dami for sure ang sakit na naman ng kamay ko dito. Hay Naku!.

“Girl alam mo ba na may bago akong prospect na lalaki…” aniya

“Sino na naman ba iyan ah! Rozen…?” tanong ko habang binabasa yung isang papeles.

“Si Papa Reyner mo…” hay naku! Hindi na talaga nagbago itong lalaking ito.

“Atsaka may ichika ako sayo, alam mo bang may gusto saakin ang secretary mo… kung makakapit saakin akala mo! Linta, kadiri…”

“Tapos napag-alaman ko lang na, si Reyner pala ang pinagkakaguluhan ng mga empleyado dito tapos hindi man lang nila napapansin ang ka-gwapuhan ko. Ay wait! Hindi ko nga pala pinangarap iyan, ang pangarap ko lang pala E maging akin si Papa Reyner… hehe!”

Pinabayaan ko lang siya magdaldal doon sa loob ng opisina ko, basta ako kailangan ko na itong pirmahan…

“Tapos Girl, muntik pa akong matalisod doon sa daan, nakakainis naman kasi na bola iyon paharang harang, bute nalang janitress lang ang nakakita…”

“Ano sabi noong janitress?” biglang singit ko.

“Sabi niya may anghel na hulog nang langit… haha! Joke siyempre pinagtawanan ako….” Natawa tuloy ako…

“Tapos ito pa Girl, namasyal ako kahapon sa Mall, may nakita ba naman akong dalawang mag-jowa, yung isa tinadtad ng tigyawat ang mukha at yung isa naman ay mukhang papatay ng tao ang pagmumukha. Oh diba! Perfect combination…”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kinukweto nitong baklitang ito o babatukan ko siya kasi lahat napapansin niya…

“Tapos ito pa Girl si Manong Guard na nasa baba, hinanapan ba naman ako ng I.D,. sasabihin ko nga sana! “Manong ano to school? At kailangan pa ng I.D?” bute nalang mabait ako kaya sinabihan ko siya na

“Yung I.D ko po ay nasa bahay, kung gusto niyo kunin niyo…” Oh diba! Pak na Pak…”

Napapangiti talaga ako sa baklitang ito…

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon