Chapter 18

3.9K 84 0
                                    

Chapter 18

Dumating ako sa Hotel nang tanghaling tapat. Bute nalang nakapagpa-reserve na ang secretary ko ng kwarto kaya hindi na masyado hassle saakin. Dumiretso kaagad ako sa Room ko at naghanap ng formal na susuotin. Dumaan din ako kanina sa boutique para makabili ng damit. Kailangan nating magpaganda para kapag nakita ako ni Mr. Iligan, payag na agad yun.

Nang matapos ako sa pag-aayos, lumabas na kaagad ako sa Room at hinanap si Mr. Iligan. Ang sabi kasi saakin ng secretary ko nandito daw iyon sa Hotel na ito kaya hindi na ako nag-alangan na dito pumunta. Kagaya nga nang sinabi niya, madameng nagkakandarapang kompanya doon.

Dinala ako ng paa ko sa may pool area ng hotel na ito, at sa hindi kalayuan may natanaw akong lalaki na pinapaligiran ng mga body guard.

Siguro siya na yun…

Siya lang kasi ang nagbubukod tanging naka-coat habang nasa swimming pool. Tss.

Bago maglakad, inayos ko muna ang sarili ko. Nang masuri ko na Ok na, dumiretso na kaagad ako doon sa lalaking naka-upo habang nakatanaw doon sa mga naliligo.

Ano kaya ang trip ng lalaking ito at dito pa nagmuni-muni. Tss.

Okay. Huwag na natin muna intindihin iyan, kailangan ko muna siyang mapa-Ou sa pagiinvest sa company namin.

Hingang malalim. Okay Go.

“Ah. Excuse me sir?” nakangiting ani ko.

Unti-unti namang humarap yung lalaki saakin.

“Are you Mr. Iligan?” tanong ko.

Tumingin ako doon sa lalaki at isang kunot na noo lang ang ibinigay niya saakin. Pambihira, ang lapad lapad na nga ng ngiti ko dito, kukunutan lang ako ng noo. Tss. Temper! Tiis lang Bernice, mapapa-Ou mo din yan.

“B-Bernice?” nagulat ako sa sinabi niya. Kilala niya ako?

“Yes. I am. Kilala ba kita?” tanong ko

“Yeah. Sabi mo Mr. Iligan, so ibig sabihin kilala mo ako” aba. Binabara ata ako nito.

“What I mean is nagkita na ba tayo dati?” tanong ko

“Yeah, schoolmate tayo. Di mo tanda?” tanong niya saakin.

Napaisip ako sa sinabi niya. Teka may ka-schoolmate ba akong kasing kisig nitong lalaking ito. Wait lang. kasing gwapo pala.

“Sorry Mr. Iligan pero di ko po matandaan.” Natawa siya sa sinabi ko. Ano kayang nakakatawa.

“Sorry Bernice. Hindi muna nga pala ako naabutan sa school na iyon. Kaka-transfer ko lang kasi noong umalis ka at lumipat ng ibang school. Nakilala lang kita kasi halos lahat ng tao noong time na iyon e umiiyak at nagluluksa sa pagalis mo.”

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon