Chapter 3

5.5K 128 7
                                    

Chapter 3

"Okay ka lang ba?" tanong saakin ni Trisha.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Noong nakaraang araw pa wala ako sa sarili, hindi ko magawang pumasok sa opisina. Ayokong lumabas ng apat na sulok ng building na ito...

"Bakit hindi mo kami kino-kontak. May gig tayo mamaya!"

"Wala ako sa mood. Kayo nalang!"

"Ha! Reyner naman. Ang tagal na natin itong ginagawa at ni kahit minsan hindi ka pa tumanggi kung entablado na ang pinag-uusapan."

"Hindi naman lahat ng oras e, magugustuhan moa ng mga bagay na gusto mo. Minsan mapapagod ka din."

"Are you sure, you okay?" tanong niya

"Yeah. Just leave me alone. Madami lang akong iniisip." Ani ko, pero imbes na umalis siya. Mas lalo pa siyang tumabi saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Sinabi ko naman kasi sayo diba, kalimutan mo na siya..." hindi ako naka-imik sa sinabi niya.

Ou alam kong matagal nang may pagtingin saakin ang Manager ko, pero binabalewala ko lang iyon kasi si Charis parin talaga ang gusto ko at kahit kalian siya lang ang gugustuhin ko.

"Trish please just leave me alone..." tumayo siya nang may pagka-irita.

"Alam moa ng mahirap sayo, masyado mo lang tinutuon ang sarili mo sa isang taong hindi ka narin naman hahanapin, o sabihin nalang natin hindi kana mahal. Kasi kung mahal ka nun, malamang binalikan ka na nun pero ano ngayon? Ikaw lang ang nagpapakatanga!" naikuyom ko ang mga kamay ko sa sinabi niya.

"Wala kanga lam sa pinagdadaanan ko..." galit na ani ko sakanya.

"Sige ipagpatuloy mo yang kahibangan mo sa babaeng hindi ka na din naman mamahalin..." sambit niya at agad nang umalis sa harap ko. Naiwan akong mag-isa sa condo unit ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ring Ring Ring

"Hello!" sagot ko,.

"Reyner. Bakit hindi ka pumapasok sa opisina. Pumunta kana ditto ngayon din, marami kang aasikasuhin.!" Dire-diretsong pahayag niya sabay binabaan ako.

Tss. Si Dad na naman, wala akong magawa kundi sundin siya. Sigurado akong galit na naman iyon saakin...

Naligo na lang ako at nagbihis... past 10 na din ng umaga, kaya sigurado akong nang-gagalaiti na naman iyon sag alit.

Pagkasakay ko ng kotse ko, dumiretso kaagad ako sa opisina.

Dire-diretso ang pasok ko sa loob ng opisina, habang ang iba naman ay panay ang bati saakin. Nakaasiwa, after kasi ni Dad matalo sa pagtakbo bilang governador ng Surigao, medyo umigpit siya sa larangan ng pagne-negosyo. Natatakot siya na pati sa negosyo bumagsak siya. Tss.

Pagkapasok ko nang conference room, nandoon na kaagad ang mg aka-meeting ni Dad. Umupo ako sa tabi niya habang pinapatay niya naman ako ng tingin.

"Listen, pag-aralan mo yung i-pe-present niya, because you will be handling that project with her..." napatingin ako sa taong nasa harapan na tinuro ni Dad at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang Makita ko kung sino yun.

"C-Charis?" bulalas ko. Umali-ngawngaw sa loob ng conference room ang sinabi ko kaya halos lahat ng tao napatingin saakin pati na din si Charis.

Kinalabit ako ni Dad.

"She's not Charis. She's Fiona Cristobal." Wala ka-emo-emosyong sambit ni Dad.

How come na siya si Fiona eh malinaw na malinaw na si Bernice Charis Cristobal yan...

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon