Chapter 27
Maaga kami nagising nang kinaumagahang iyon. Tumawag na kasi ang Dad ni Reyner at kailangan na daw namin pumasok sa Office. Hindi na ako umuwe sa bahay, bumili na lang kami sa nadaanan namin na maliit na boutique at doon na lamang bumili ng damit. Nang makarating kami sa office, madami na kaagad ang bumabati saaming mga empleyado.
“Babe, sa conference daw tayo” sabi saakin ni Reyner.
Sumunod na lamang ako sakanya at nagmadali kaming pumunta ng conference room.
Pagkabukas na pagkabukas namin ng conference ay nakuha kaagad namin ang atensyon ng mga board of members.
Ngumiti na lamang kami at binati sila.
Magkatabi kaming umupo ni Reyner habang sa kanan niya ay katabi niya ang Dad niya. May binubulong bulong ito sakanya pero hindi ko masyadong naririnig ang alam ko lang ay tumatango tango si Reyner sa bawat sinasabi sakanya ng Dad niya.
Napatingin ako sa nagsasalita sa harap ko at ganun na lamang ang gulat ko ng Makita ko kung sino ito.
Kinalabit ko si Reyner para Makita niya kung sino ang nasa harapan.
“Oww I think they recognize me!” nakangiting saad noong lalaki sa harapan at nakatingin saamin.
Serioulsy? Anong ginagawa ni Chester dito?.
Napatingin ako sa direksyon ni Reyner at nakita kong masama ang tingin niya kay Chester. Marahil ay sa tagal ng panahon ay ngayon nalang ulit sila nagkita o dahil yung huli nilang pagkikita ay hindi maganda.
Pero bakit naman nandito si Chester sa Company nila?.
“So as I said earlier. I’m here to invest in your company kung papayag ang maghahandle noon.” Aniya.
Halos lahat ng tao doon ay saamin ni Reyner nakatingin. Huwag niyang sabihin sa business namin siya magiinvest. Sabagay! Pwede din.
“Okay. We approve.” Sagot ni Reyner. Napangiti na lamang ako sa sagot niya,a kala ko kasi pipigilan niya pa E.
“Okay that’s a deal.” Ani ni Chester at umupo na sa upuan na naka-atang sakanya.
Ang mga sumunod naman na nagpresent saamin ay ang may mga katungkulan sa kompanya na kung saan nirereport nila ang sales ng kompanya kaya noong natapos ang Meeting, isa isa nang nagsilabas ang mga tao doon. Tanging kaming tatlo lang nila Reyner ang naiwan kasama na doon si Chester.
“So wala ba kayong balak na umalis?” aniya.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Reyner.
“Anong balak mo at dito mo pa talaga naisipang mag-invest.” Ani ni Reyner.
“Wala. Namiss ko lang kayo.” Pangaasar niya.
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...