Chapter 17
[Warning: Di pwede sa mga ISIP bata, masyadong intense. Hehe]
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. Kinapa ko din kung sino ang nasa tabi ko, napangiti ako nang maramdaman kong nakayakap pa din siya saakin. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya, siya padin yung Reyner na minahal at iniwan ko noon.
Alam nang diyos kong gaano ko hiniling na makasama at mayakap ko na ulit siya. Alamn nang diyos kung gaano ako naghirap para makatuntong sa ganitong sitwasyon kaya ngayong Ok na kami, hahayaan ko nalang ba ulit na mawala siya saakin? Of course not. Ako ata si Bernice.
“Kanina ka pa ba gising?” gising na pala siya.
“Hindi naman.” Sagot ko.
Hinaplos niya bigla ang buhok ko at ngumiti nang napakalapad.
“I couldn’t imagine na maibabalik kita saakin. Hindi lang ako makapaniwala na akin kana talaga. And I’m so happy…” napakasaya niya ngayon, kaya pati ako napangiti.
“Teka! Paano mo nga pala nalaman na nagsisinungaling ako?” tanong ko bigla. Nakakapagtaka kasi…
Ngumiti siya ng sobrang lapad at sabay niyakap na naman ako.
“Because it’s too obvious.” Aniya.
Masyado ba talaga akong obvious?. Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Nahihiya kasi ako na aminin sakanya na nagpanggap ako. Huhu! Kasalanan kasi ito ni Nica E.
“Bakit bigla kang natahimik?” tanong niya
“Wala. Nahihiya lang ako sayo..”
“Why?”
“Dahil nagpanggap ako?”
Napangiti siya sa sinabi ko pero hindi ko alam kung ano ang dahilan?. TEka ano nga ba?
“B-Bakit ka tumatawa?” tanong ko.
“Wala. Natatawa lang akong isipin na hindi ka pala magaling umarte. Haha!” aba. Aba. Inaasar ako?. Tama ba? Inaasar niya ba ako?
“So ganun!”
Tumango naman ang loko. Tsk Tsk. Tinalikuran ko siya kunyare, pa-choosy muna tayo. Haha!. Kunyare nagtatampo.
Hinila ko yung kumot na nakapalibot saaming dalawa, at nagkunyare ako galit sakanya at lalayasan na siya.
“Where are you going?” nagtatakang tanong niya.
“Aalis na. bakit may kailangan ka pa ba?” mataray na sambit ko.
Hinila niya pabalik ang kamay ko at palambing na bumulong saakin.
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...