Minsan, sa isang parke

535 11 1
                                    


Nakita kita

Nakita kitang nakaupo sa parihabang kahoy habang nakayukong nakatingin sa cellphone mo.

Nakapokus ang mga daliri sa kanilang trabaho. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ka ba o hindi. Panay naman ang dungaw mo kaliwa't kanan na tila ba parang may hinihintay at hindi mapakali.

Ito naman ako nagmamasid lang sa isang tabi. Panay ang isip. Nagugulumihanan at kumakabog ang dibdib sa kaba na baka pagpinalampas ko ang araw na ito ay hindi na kita makita pang muli. Kaya lalakasan na ang loob at itutuloy ang laban para mayakap at mahagkan kang muli.

Isa, isang hakbang na puno ng takot. Pangalawa, pangalawang hakbang na puno ng pagtatatlong isip. Pangatlo, pangatlong habang ang hakbang ng pagpili.

Ngunit saglit akong napatigil nang dumako ang mga mumunting mata mo sa kinatatayuan ako. Hindi. Mali. Lagpas ang iyong tingin at agad akong napatabi. Sumilay ang ngiti sa iyong labi kasabay nang pagpatak ng luha ko. Masaya mong sinalubong ang asawa't anak mo.

Pa? Hindi mo na ba ako naaalala?

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon