Bahaghári

64 2 0
                                    


Sampal, sipa, suntok at iba't-ibang uri ng pananakit. Ito ang natatangap ko sa aking tahanan kaya sa abot ng makakaya pinipilit kong habaan ang pamamalagi sa labas.

Iba ang kapayapaan sa paligid na walang silong. Saglit lang ito magtatagal, alam kong sa bawat pag-uwi makakatanggap na naman ako ng bahagharing kulay ng mga pasa at sugat.

Mga pasang mula sa suntok ng katotohanan at pag-iisa.

Mga sugat na mula sa pagsipa ng kalungkutan at galos na mula sa mga daluyong ng pagtatanong.

Heto nga't naamoy ko na naman ang sariling dugo, papasok na naman kasi ako sa tahanan para patuloy na punuin ng mga bahagharing kulay ang aking sarili.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon