Taong 1910
Napaunat ka ng iyong katawan. Matapos ang buong araw na pagtatanim ng palay, sa wakas makakapagpahinga ka na rin.
Kabilang ka sa isa sa mga etnikong grupo ng igorot, ang bontoc. Ang pagtatanim at pagtratrabaho sa bukirin ang madalas na trabaho ng kakabaihan ng inyong tribo.
Dahil na rin sa init at kakulangan sa tela, normal na sa inyo ang halos walang saplot na mga damit. Hindi ito binibigyang malisya ng kahit na sinuman. Wala ring ni isang beses na naitalang rape case sa inyong lugar, ni hindi nga kayo pamilyar sa terminong ito. Malaya at hindi tinitingan ng masama ang katawan.
Isang araw, katulad ng mga nagdaan patuloy kang binabagabag ng kuriosidad sa buhay sa labas ng inyong tribo. Sinamantala mo ang gabi kung sa'n tulog na ang lahat. Byumahe ka gamit ang kabayo.
Ilang oras ka sa daan hanggang sa sumikat ang araw, namataan mo ang isang syudad. Napangiti ka, lahat ay bago sa iyong mga mata. Ang pinagtataka mo lang ay kung bakit puno ng saplot ang kanilang mga balat.
Nang tuluyan kang makalapit at mapansin. Hindi mo inaasahan ang kanilang mga nandidiring tingin.
"Bastos, nakahubad!"
"Walang respeto sa sarili."
Ilan lang iyan sa iyong mga narinig, binalot ka ng kakaibang lungkot dahil dito. Napaisip ka. Iba ang pananaw nila sa mali at bastos. Hindi mali at dapat ikahiya ang katawan. Ang tunay na nakakahiya ay ang kanilang maduming pag-iisip. Iyon ang tunay na kabastusan.
Napatanong ka, sino kaya ang nagtuturo sa kanila ng maling pagtingin sa mga bagay?
--
Hello, kung may oras kayo, maaari niyong panuorin ang dokumentaryong, Walang Rape sa Bontok. Isearch niyo lamang 'to sa twitter at makikita niyo ang mga post ng links kung sa'n ito p'wedeng panuorin. Salamat sa pagbabasa. :)

BINABASA MO ANG
Badhi (Dagli)
Storie breviIba't-ibang guhit ng kapalaran na tinatapos sa tuldok ng mga ipo-ipong balangkas.