Biyak na bunga

45 2 0
                                    


Isang malaking salo-salo nang unang beses kitang makita. Tumibok agad ang puso ko nang napakabilis para bang sinasabayan ang ritmo ng tunog at bilis nang pag-indak ng katawan mo habang sumasayaw ka sa gitna ng entablado.

"Jannah nga pala," pakilala mo habang kinakamayan ang mga mutyal nating kaibigan.

Simula no'ng gabing 'yon hindi ka na nawala sa isip ko. Kaya naman tinanong ko ang mga mahahalagang impormasyon mo sa aking mga kaibigan. Madali ko namang nakuha ang mga ito.

Sa hindi nga inaasahang pagkakataon, isang araw habang papasok sa kaklase, nakita kita sa isang kainan. Nagbabasa ng mga aralin.

Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon. Nilapitan kita, nagpakilala. Magpapakilala ka rin sana ngunit sinabi kong alam ko na ang pangalan mo at kung sa'n kita unang nakita. Tumango ka naman.

Nagsimula sa maliliit na tanungan hanggang sa nag-usap na tayo ng pawang matagal nang magkakilala, nagtawan, napunta sa kung ano-anong bagay. Nakalimutan ko na nga na may klase pala akong papasukan.

Napakasaya ko no'ng araw na 'yon hanggang sa...

"Jannah, kanina pa kita hinihintay," sambit mo sa babaeng kararating lang.

Salitan akong napatingin sa inyong dalawa.

Hindi pala si Jannah ang kausap ko, kun'di ang kambal niya.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon