Sirena

186 6 0
                                    


May kinahuhumalingan akong isang babae, pero kahit kailan alam kong hindi n'ya 'ko magugustuhan.

Ramdam kong may ibang tinitibok ang puso niya.

Unang kita ko pa lang sa'yo Sirena, batid kong ikaw na ang babaeng papakasalan ko.

Kaya naman inuwi ko agad ang prinsesang kagaya mo sa aking palasyo.

Alam kong wala ka ng matitirhan nang gabing makita kita sa daan madungis, gutom, at humihingi ng tulong.

Ngunit kahit ano mang bahid ng dungis at putik sa iyong mga mukha, ikaw pa rin ang nagsisilbing pinaka maganda sa mga mata ko Sirena.

Mas lalo pang nahulog ang loob ko sa'yo sa bawat araw. Tahimik ka lang at mahiyain kaya naman ako na mismo ang gumagawa ng paraan para makausap ka.

Minsan sa hapag, habang kumakain tila tulala ka lang at hindi ginagalaw ang pagkaing nakahanda. Ramdam kong masalimuot ang naging karanasan mo kaya naman iniintindi kita. Pero 'di kalaunan nakakakain ka na, 'yun naman ang labis kong kinasasaya.

Sa pagdaan ng mga araw unti-unti nang nagkakakalaman ang payat mong pangangatawan. Lalo kang gumaganda Sirena.

Kaarawan ko noon ng mapagpasyahan kong ipagdiwang ito kasama ka. Lumabas tayo. kumain sa mamahaling restaurant. Matagal ko ring pinag-ipunan ito, dahil gusto kong maging memorable ang araw na ito para sa ating dalawa.

Naglakad-lakad tayo at nang mapagod ay naupo. Panay naman ang dungaw mo sa paligid, matagal-tagal ka ring hindi nakalabas dahil sa trauma. Niyakap kita nang mahigpit at inamoy ang napakabango mong buhok.

Ramdam ko naman na nagpupumiglas ka nang kaunti, dahan-dahan para 'di ko mapansin. Ito ang labis na nagpakirot sa puso ko.

Kanina habang kumakain panay ang dungaw mo sa lalaking nakaupo sa tabi ng mesa natin.

Bakit kailangan mo pang tumingin sa iba Sirena? Dahil sa galit p'wersahan kitang hinila. Pumara na'ko ng masasakyan. Hawak-hawak lang kita hanggang sa makauwi.

"Bakit mo tinitingnan ang lalaking 'yon Sirena?!" sambit ko sabay sarado ng pinto. Napatungo naman ka't tila maiiyak. Binugbog kita noong gabing iyon Sirena.

Labis naman akong nagsisi sa ginawa ko dahil kinaumagahan pagkagising, nakita kong wala ka sa tabi ko.

Hinanap kita kung saan-saan halos mabaliw ako Sirena.

Kinagabihan may kumatok sa pinto dali-dali kong binuksan ito.

"Totoy sa iyo ata ang asong ito."

Kinuha kita at niyakap nang mahigpit.

Agad kong pinasalamatan ang lalaking naghatid sa'yo, "'Wag mo na kong iiwan ulit Sirena."

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon