Munting anghel

64 3 0
                                    


Tahimik na kumakanta si Aya, sa kan'yang mumunting anghel. Marahan niya ring hinahaplos ang likuran nito. Ingat na ingat siya para hindi ito magising. Handa rin siyang suuingin ang lahat 'wag lang ito madapuan ng langaw.

Ang mga ngiti rin niya ay animo'y nakaplaster na sa kan'yang mukha, Gan'to pala ang pakiramdam na maging Ina, sa isip-isip niya.

Kanina pa siya aliw na aliw sa pagtitig rito, na pawang ito ang pinakamagandang nilalang na nakita niya.

"Kailan ka matatapos sa paghaplos at pagtitig diyan sa tuta mo?" sambit ng kan'yang ina.

"Saglit nalang ma, napakakyut e!" aniya at pinangigilan ang tuta.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon