Napakagandang pangalan, hindi ba?

234 7 0
                                    


May pagmamadali kong inilagay sa aking maleta ang mga gamit ko, habang minu-minutong napapatingin sa orasan.

Espesyal ang araw na ito. Ito lang naman ang araw na uuwi kami ng probinsya para mamanhikan.

Isabel, napakagandang pangalan hindi ba? siya lang naman ang aking kasintahan. Dalawang taon din kaming ldr ni Isabel. Isang beses sa anim na buwan kung magkita kami.

Relihiyosa si Isabel, 'di makabasag pinggan, maganda, at nagsusunog ng kilay. Lahat na siguro positibong konotasyon ay maihahambing ko sa kan'ya.

Kaya naman, gusto-gusto ko na siyang pakasalan. Dalawang taon na rin pero hindi pa kami nagsisiping. Kasal muna ang nais ni Isabel. Isabel, napakagandang pangalan talaga hindi ba?

***

Nasa biyahe na kami, magkahawak ang kamay at salit-salitang nagpapalitan ng titig. Makikita sa aming mga mata ang galak at kasabikan. Tatlong taon na rin mula nang huling umuwi sa kanilang probinsya si Isabel.

Sa aming pagtuntong sa kanyang lupang sinilangan, ay agad-agad na kumabog ang aking dibdib. Ito na ang araw na aming pinakahihintay. Sinalubong siya ng kaniyang lola habang tahimik na nasa likod nito ang iba pa niyang kamag-anak.

"Totoy," sambit nito kay Isabel habang patuloy sa paghikbi.

"Totoy aba't napakaganda mo na hah," sambit pa ng isang kamag-anak niya.

"Anong Totoy? Isabel. Ako na po si Isabel ngayon Inang, napakagandang pangalan hindi ba?"

Sabay siyang napatingin sa akin na animo'y sinesenyasan akong lumapit.

Totoy.

Si Totoy pala si Isabel.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon