Late

300 7 0
                                    


Agad akong napabalikwas sa kama at tumingin sa orasan. Nako, late na naman.

Sabay patay sa alarm clock na kanina pa tunog nang tunog.

Nag-aagawan ang dilim at ang liwanag, pero mukhang magwawagi ang liwanag. Agad akong napatakbo sa kubeta at napahilamos sa mukha ko. Napatingin sa salamin sabay tanggal ng mga muta sa mata at ng laway sa bibig. Napasarap pa ata ang tulog ko.

Naligo ako nang mabilis at agad na nagsuot ng uniporme. Wala nang punas-punas pa.

Lakad takbo habang nagsusuklay ng buhok kong tumutulo pa. Sabay para ng jeep. Agad akong napatingin sa oras sampung minuto nalang magsisimula na ang klase.

Ilang sandali pa, konting hintay. Pagkababa agad akong kumaripas nang takbo. At napasabay sa agos ng hangin, hindi ko na alintana ang pawis na tumatagaktak sa aking buong katawan kasabay ng hingal kong paghinga. Hindi ko na rin pinansin ang guwardiya sa gate, tawag ito nang tawag. Napahawak ako sa aking leeg, nakalimutan ko ang ID ko kaya siguro. Bahala na.

Wala ng masyadong tao sa hallway at nakapasok na'ko sa aking silid. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil wala pa ang aming propesor.

"Hi dors," bati ko sabay baba ng bag.
"Nagreview kana?"

Mukha naman siyang matamlay ngayon at hindi pinansin ang pagbati at tanong ko.

Abala rin ang iba sa kanya-kanya nilang ritwal at gawain napaupo ako sabay punas sa mukha kong pawisan.

Ilang sandali pa, hindi na ako nakapag hintay at agad na bumaba sa canteen para pakainin ang nagrereklamo kong alaga sa tiyan.

Nagulantang ako nang makitang sarado ang lahat ng stalls. Gulantang pa rin ay agad na dumako ang mata ko kay manong guard.

"Kuya, ba't po sarado lahat?"

Napabuntong hininga muna siya, "Ineng 'di mo ba nabalitaan? Kahapon lang nag anunsyo na walang pasok ngayong araw."

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon