Helix

28 2 0
                                    


Nagtapon ka ng iba't-ibang mga gamit dahil sa galit. Buong gabi tayong hindi magkaintindihan. Ang simpleng usapan ay laging napupunta sa malaking bagay. Hindi ko alam kung mainit lang ang ulo mo dahil hindi natuloy ang outing ninyong magkakaibigan.

Kinaumagahan hindi pa rin tayo nag-uusap. Sa pagkakaalala ko ang pinagmulan ng away natin ay ang isang litrato sa isang social media site, kung saan tinatanong kung ano ang kulay na makikita. Magkaiba tayo ng sinabi at nakita, nagresulta ito sa pag-ungkat mo ng pagkakaiba natin, hanggang sa lumaki at naging hindi pagkakaintindihan.

Hindi kita maunawaan no'ng isang araw ay ayos ka naman. Ibang-iba ang kilos mo kagabi at ngayong araw. Hindi tayo nagpansinan magdamag hanggang sa nakatulog nalang akong may dinadalang mabigat.

Nagising ako sa isang halik sa noo. Napangiti ako nang makita ka, ngunit nagtaka dahil nakapang-alis ka at may mga dalang bag at plastic.

"Kumusta ka naman labs? Miss na miss kita, ba't di mo ako tinetext dalawang araw na hah? Sinabi ko naman sa'yo gagawa ako paraan makahanap ng signal e."

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon