Salo-salo

48 2 0
                                    


Abala ako sa pagluluto ng iba't-ibang putahe para sa pagsasalo namin ng pamilya mamaya.

Pagkatapos ng ilang oras na pagluluto ay inihanda ko na ang lamesa. Sinapinan ito ng bagong tela. Inilapag ang mga plato at kubyertos. Kinuha ko na rin ang mga nilutong ulam at ang panghuli ang bagay na hindi mawawala, ang mainit na kanin.

Nakahanda na ang lahat, ang mga tao nalang ang kulang. Kaagad ko silang tinawag at kinawayan, "Kainan na!"

Ngumiti naman si Ina sa screen,"Tara na!"

Sabay-sabay kaming nagsalo-salo. Kahit na malayo sa isa't-isa dahil sa pandemiko, binabubuklod pa rin kami ng pakain at pagmamahal para sa isa't-isa.

"Konting tiis nalang d'yan Nak ha? matatapos din 'to," saad ni Tatay.

Sumilip naman sa screen ang dalawang nakababata kong kapatid, "Miss you, Ate!"

Napangiti nalang ako, ngayon lang bumalot ang realisasyon.

Realisasyon kung gaano kahalaga ang sulitin ang oras hangga't maaari kasama ang mga minamahal sa buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon