Husga

48 2 0
                                    


Nakatingin ka na naman sa kawalan, hinihintay ang pagpatak ng ulan. Nasa gilid ka lang, hindi nakikinig sa diskusyon ng guro. Bigla ka lang natauhan no'ng may pumasok na kaklase mo. Huli na siya sa klase ng isang oras, pero dahil kolehiyo na kayo wala ng pakialam ang titser basta't kapag nauna siya, absent ka na.

Umingay ang klase dahil sa kararating na kaklase mo. Nainis ka dahil naaabala niya ang muni-muni mo. Rinig na rinig mo rin ang mga pinagsasabi niyang panglalait sa mga nakasalubong o nakasakay niya sa jeep.

Mahilig din siyang magyabang ng mga gamit niyang mamamahalin. Sa isip mo bakit kaya pinagyayabang ng mga kabataang 'to ang mga bagay na hindi naman nila pinaghirapan?

Nang magtanghalian ay t'yempong nakasalubong mo siya sa canteen kasama ang kanyang mga kaibigan.

May pambili siya ng mamamahaling bagay pero hindi siya maalam kung sa'n ilalagay ang kaniyang basura.

Hanggang sa natapos ang araw na siya lamang ang napapansin mo nagtaka ka...

Bakit nga ba siya lang ang tangi mong napapansin?

Ilang sandali ay nagulat ka nang may magsalita sa 'yong likuran, "Tapos mo na ba husgahan ang iyong sarili? Anong hatol mo? Sa'n ka mapupunta?"

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon