Si Ana

48 2 0
                                    


Nagising ka sa isang puting lugar. Akala mo ay nasa langit ka na, ngunit pakiramdam mo ang nagsabing hindi. Nakita mo ang mga iilang bagay na nakatusok sa iyong kamay. Uhaw ka rin, pagod, hindi mo madiskubre ang iba't-ibang bagay na 'yong nararamdaman.

Gano'n man sa 'di malamang dahilan, may naaalala kang pangalan,"Ana."

Nakakailang beses kang sambit ng kanyang pangalan. Patuloy mo siyang hinahanap sa mga taong papasok sa iyong k'warto.

Hindi mo maaalala kung bakit mo siya hinahanap.

"Ana."

Hanggang sa isang araw dumating si Ana, binisita ka nito. Napamulat ka nalang sa pagkatulog nang makitang nakangiti siyang nakatingin sa'yo.

"Andito na po si Ana, maiwan ko muna kayo."

Sa pagtitig sa kanya, sumagi ang isang alaala. Nanlaki ang iyong mga mata. Nanikip ang dibdib.






Si Ana nga pala ang dahilan kung bakit nasa Ospital ka.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon