Betamax

63 2 0
                                    


Hingal na hingal sa pagtakbo.
Kumakalam ang tiyan, naghihingalo.

Maraming tunog ang maririnig sa paligid. Bukod sa tiyan na kumakalam ay ang mga tunog ng paang naghahabol sa galit. Iba't-ibang uri ng emosyon ngunit iisa lang ang namumutawi pagka-irita at pagka-inis.

Nang makakuha ng t'yempo ay kaagad na binato. Tumama ito sa ulo, lumpasay na inabutan nila ang hinahabol na bitbit ang plastic ng betamax na kanilang binili. Hindi pa sila nakuntento't hinampas pa ito nang paulit-ulit.

Napatigil lang sila ng makarinig ng iyak...

Iyak ng anim na tutang naghihintay ng pagkain.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon