Kapalit

60 2 0
                                    


Nagmamadali ka sa iyong kilos, lagpas ka na kasi sa oras nang simula ng pagsasalo. Nag-aayos ka ng iyong sarili habang nasa sasakyan.

Hindi mo na naabutan ang simula, dumating ka na sa oras ng kainan. Ito naman ang gusto mo, bakit nga ba dumadayo ang mga bisita? Para sa pagkain lang naman. Kung may pagdidiriwang ng walang pagkain wala sigurong dadalo. Sino ba namang tao ang gustong walang nakukuhang kapalit sa kanyang ginagawa?

Kung may tulong mang gagawin laging may pangalan. Kailangan alam ng lahat na galing sa'yo ang tulong o kaya naman alam ng taong pagbibigyan mo. Nakakataas kasi ito ng respeto at moralidad, para sa pansariling kabutihan mo na rin. Sino ba naman kasing gustong tumulong ng walang kapalit 'di ba? Wala.

O kaya naman 'yung paseminar at pafeeding program na ginawa ni'yo para sa isang proyekto. S'yempre kailangan niyo itong gawin para sa markang ibibigay ng inyong guro. Sino ba naman kasi ang tutulong ng walang kapalit? Wala. Walang gano'n.

O yung pagpupursigi mong makapagtapos, para makabili ng maraming pansariling luho. Walang taong nagpupursigi ng walang kapalit. Wala talagang gano'n...

Ngunit kinalabit ka ng iyong konsensya, sabay sabing, "Mayro'n."

"Sino?" pagtatanong mo sa sarili.




Ang mga bayani, ang mga aktibista— ang mga taong sinasantabi ang kanilang sarili para sa bayan.

Sila ang handang tumulong at magsakripisyo, kahit paulit-ulit na walang nakukuhang kapalit, lumalaban pa rin sila. Sila ang mga taong iniisip ang mas nakabubuti para sa marami.

Sila ang mga taong iba, sa makasariling mundo.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon