Selpon

35 3 0
                                    


Nanghiram ako ng selpon, 'pagkat naubusan na ng baterya ang akin. Andito kasi kami sa bahay ng aking kaklase gumagawa ng proyekto.

Kailangan ko nang itext si Ina, alam kong maghihisterikal na naman 'yon 'pag hindi nasabihan kaya nanghiram na ako kay Maria.

Matagal ang ginugol naming oras para sa proyekto, mag-aalas diyes na ng gabi nang makauwi ako.

Ramdam ko na ang pagod, pero chinat ko pa rin ang mahal ko. Marami na siyang message, siguro ay nag-aalala, "Mahal kakauwi ko lang, pasensiya nalowbat phone ko e."

Wala pang isang minuto ay nagreply agad siya, "Ayos lang mahal nakauwi ka naman nang maayos? Kumusta araw mo? Miss kita."

Nagtuloy pa ang aming usapan hanggang sa dinalaw na ako ng antok, magpapaalam na sana ako nang maalala kong...




Kay Maria pala ang gamit kong selpon.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon