Sandalan

34 2 0
                                    


Marahas mong sinarado ang pintuan. Base sa 'yong hitsura ay may masama ka na namang karanasan. Padabog mong hinubad ang damit mong panlabas at dali-daling nagpalit ng pangbahay.

Sabi ko naman sa'yo narito lang ako palagi, halika at tutulungan kitang buhatin ang mabigat mong nararamdaman.

Lumapit ka agad sa'kin at niyakap ako nang napakahigpit. Humikbi ka nang tahimik. Sige ibuhos mo lang, hayaan mo na ang telang suot ko ang magpunas ng mga luha mo.

Nangangako akong kailanman hindi ka mag-iisa sa pagharap sa problema 'pagkat nandito ako na maaari mong sandalan.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, kailangan kong lumisan. May mga bagay na hindi ko maaaring kontrolin, Patawad.

Hinanap mo ako kung saan-saan. Halos sabunutan mo ang sarili dahil sa lungkot.

Nakahinga ka lang nang maluwag nang makita mo akong nasa upuan, bagong laba at pinapa-initan.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon