Maghahanap ka, naaamoy mo na naman kasi ang pabango niya. Unti-unti kang lalapit at mamasmasdan siya. Tititig na para bang wala ng bukas.Talaga naman kasing kaakit-akit ang bawat niyang pagngiti. Ang paghaplos niya sa kaniyang buhok na napakahaba tila ba'y dinuduyan ka nito.
Matamis ang ngiti niya sa pagsulyap ay parang nakakarating na sa'yo ang lasa nito. Mapapansin ka niya kakaway. Lalapit ka naman. Ito na ang matagal mong inaasam. Ang makita ang ngiti niya nang malapitan. Ngingiti ka pabalik at hahawakan ang kaniyang mga pisngi.
Pakiramdam mo'y langit pagka't magdadampi ang inyong labi. Lahat ay totoo para sa'yo.
Ngunit unti-unti ka na namang nanakawin ng realidad umaakto nga lang pala kayo para sa isang advertisement ng isang toothpaste.
BINABASA MO ANG
Badhi (Dagli)
Short StoryIba't-ibang guhit ng kapalaran na tinatapos sa tuldok ng mga ipo-ipong balangkas.