Klase

49 2 0
                                    


Nagkamot ka ng batok, hindi mo na naman maintindihan ang sinasabi ng inyong guro. Lahat sa inyo ay walang natututunan sa kanyang klase, pero wala ni isa ang may balak na magreklamo. Lagi niyo kasing natatandaan ang madalas na sabihin ng guro niyong ito, "Sige, tumayo kayo at magreklamo. Subukan niyo ibagsak at patayin ko kayo."

Hindi niyo alam kung nagbibiro lang ito, dahil seryoso siya nang sambitin ito at halos dumampi ang takot sa inyong mga balahibo. Nasa ampunan lang kasi kayo, wala ng nauuwiang pamilya at ang pumasa at makahanap ng trabaho ang tanging takas sa inyong kalagayan. Wala kasing gustong mag-ampon ng mangmang wala raw itong silbi sa lipunan.

Nalungkot ka dahil dito, alam mong mangmang ang iyong mga magulang kaya iniwan ka nila sa ampunan. Ngunit alam mo na sila ay nagsakripisyo lamang para sa ikabubuti mo. Wala mang laman ang kanilang utak gaya ng sinasabi ng lipunan, ngunit may laman ang kanilang puso.

Bumalik ang iyong sarili sa klase, at napatitig sa guro. Wala na sigurong lalala sa taong ayaw marinig ang mga bagay na hindi kanais-nais sa kanya, pero buong yakap niya namang tinatangap ang mga kasinungalingan na pumapabor sa kanya.

Ilang sandali nagulat ka nalang nang may biglang tumayo sa inyong klase. Maging ang mga kaklase mo ay napatitig sa kanya at ang panghuli... ang nakakatakot na tingin ng inyong guro. Tumahimik ang buong paligid, hindi anghel kun'di pakiramdam mo'y demonyo ang dumaan.

"Wala ho kaming natututunan, sabi niyo walang lugar ang mangmang sa lipunan? Bakit hindi niyo ho, pagbutihin ang pagtuturo? Nang magkalaman naman ang aming mangmang na utak," sambit nito at umalis na sa klase.

Nagtapos ang klase ng walang sinasabi ang inyong guro, nagpatuloy lang siya sa pagtuturo. Ito ang labis na kinatakot ni'yo.

Kinabukasan umaga, lahat kayo ay nasa silid na. Naghihintay. Ngunit 'yon ang akala niyo... Akala niyo'y kompleto kayo.

Dumating ang inyong gurong nakangiti na may hawak na isang malaking plastik bag. Itinapon niya ito sa harapan at bumulagta sa inyo ang pugo't na ulo ng inyong kaklaseng nagreklamo.

"Puro reklamo, ayan ang napapala," sambit ng inyong guro at sinimulan na ang pagtuturo na parang walang nangyari.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon