Palasyo

35 2 0
                                    


Gumising akong nakangiti. Panibagong araw, panibagong karanasan ng iba'-ibang uri ng kasiyahan sa aking palasyo. Wala na akong mahihiling pa.

Bumaba ako para pagmasdan ang lawak ng aking pinaghirapan. Isang senyas ko lang ay nadarating na kaagad ang mga pagkaing paborito ko. Uupo ako sa isang upuang may disensyo ng balahibo ng tuta, na may lamang pinaghalong lambot ng unan at pula ng itlog.

Kakain akong nakapikit pagka't ako'y susubuan. Pagkatapos, ilang sandali makakatulog muli ako dahil sa masahe at pagduyan. Wala akong gagawin buong araw, pagka't ako ang hari sa palasyong aking binuo.

"Ayos na siguro ito."

Tinapos ko na agad ang sulatin at staka nilagyan ang papel ng pangalan ng akda ko, 'Pangarap ko' Pagkatapos ay pinasa na ito sa titser.

Alam kong sa bawat araw ay hakbang din palalapit sa aking inaasam na buhay.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon