Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Magnetiko

53 2 0
                                        


Palagi ko siyang sinusundan ng tingin. Minamasadan. Ang dahilan? Hindi ko rin malaman.

May kung anong bakal sa kanyang loob ang humahatak sa aking magnetiko.

Nakakabahala, pero may kung ano sa pakiramdam na ito ang ikinasasaya ko.

Ilang araw na akong ganito, sinusulyapan siya tuwing hindi siya nakatingin. Sinusundan siya sa'n man siya magpunta. Muntik ko na nga pasukin ang kanyang bahay, hindi ko kasi namalayan na nasundan ko na rin pala siya sa pag-uwi niya.

Hanggang sa malaman ko ang rason kung bakit ako nagkakaganito. Walang pag-aalinlangan ko siyang kinompronta. Pagkatapos ng klase, tanghali bago kumain.

"Ah, kumusta?" pagtatanong ko sabay kamot sa batok.

Mukhang naweirdohan siya, hindi naman kasi kami gano'n kalapit sa isa't-isa, "Ayos lang? May kailangan ka ba?"

"Ah oo, matagal ko ng gustong malaman 'to. Ano ba'ng pabango mo?"

Badhi (Dagli)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon