Napabuntong hininga ako, habang naglalakad. Mahaba-habang biyahe na naman, makarating lang sa susunod na tahanan. Gustuhin ko mang manatili, buhay namin ang nakataya.Ito na nga siguro ang nakasulat sa bawat kabanata ng aming buhay. Ang manirahan sa isang lugar, para lang maghanda sa susunod na pag-alis. Mas'werte na kung may mahanap kaagad na susunod na bakanteng tahanan. P'wede na rin namin tiyagain ang may kasama, wala naman kaming magagawa. Kailangan naming magtiis para mabuhay.
Heto nga't papalapit na kami, nakikita ko na ang ngiti ng aking pamilya. Maging ako rin ay nasiyahan sa nakita. Sa wakas ay makakapagpahinga na.
Umakyat na kami sa makapal na strando ng buhok. Halos lahat ay namangha sa dami ng alikabok, mas nakakatulong kasi ito sa aming pagkapit. Sa dami ng alikabok at dumi malamang ay may mga nakatira na rin dito. Bahala na, ang mahalaga ay may bago na kaming tirahan at mukhang magtatagal kami rito.

BINABASA MO ANG
Badhi (Dagli)
Historia CortaIba't-ibang guhit ng kapalaran na tinatapos sa tuldok ng mga ipo-ipong balangkas.