Takbo

56 2 0
                                    


Buong buhay mo wala ka ng ginawa kun'di ang tumakbo. Eksperto ka na rito, maging ang mabilis na paggalaw sa pagliko ay nagagawa mo.

Kaya naman hirap silang hulihin ka. Iba kasi ang taktikang meron ka kabilib-bilib. Ngayon nga ay ilang oras ka nang tumatakbo, ngunit kagaya ng iba, may panahon na hindi aayon sa'yo, mamalasin ka ngayong araw.

Natapilok ka't nahulog, puno ka na rin ng galos dahil sa mga bagay na hindi mo naiwasan kanina. At heto nga't ang iyong pagkahulog ang magdadala sa'yo sa malaking kapamahakan...





Uulit ka na naman kasi sa simula.

Game over.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon