Alikmatá

65 3 0
                                    

Tuwing klase, palagi-lagi mo akong pinapakain ng iyong titig. Walang pagsagwíl ko naman itong isinusubo nang patikim. Hindi maikakailang sadyang mapanudyo ang lalim ng iyong alikmatá, na tumatagos sa aking buong uniberso—kaunti na lamang ay  handa ko nang liparin ang kalangitan ng iyong mumunting mundo.

Iba't-ibang putahe nang pagtitig ang iyong hinahain sa araw-araw. Minsan ay unti-unti na akong bumibigay dahil sa samyo nitong walang dudang kaakit-akit. Ngunit, gaya ng aking sinabi remesresponde lamang ako nang patikim. Madalas kong pinupuri ang lasa ng iyong pagkain kapag hindi ka na nakatingin.

Hanggang sa dumating ang tamang bukas na ayaw ko ng sayangin, ako naman ang maghahain. Ngunit ilang libong tupa ang nabilang, pero anino mo'y hindi dumating.

Kinabukasan agarang kumalat ang abo ng balita ng iyong pagkasawi. Hindi sa iyong tahanan. Hindi sa ibang lugar kun'di sa ating paaralan. Sa klasrum. Do'n ko lang napagtanto, hindi pala ako ang iyong nilulutuan at inaalayan ng iyong alikmatá, kun'di ang bintana sa aking likuran. Ibang uniberso pala ang nais mong liparin.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon