Larawan

41 2 0
                                    


Patuloy lang ako sa paghahanap at pagtingin sa mga larawan. Wala ngayon si Ina at Ama kaya sasamantalahin ko na ang oras para pakainin ang gutom kong kuriosidad.

Sa aking labing tatlong pamumuhay, wala pa akong nakikitang kamag-anak. Sabi ni Ina, siya lang ang nag-iisang anak at yumao na ang kanyang mga magulang. Si Ama naman, wala na rin ang mga magulang. May mga kapatid siya ngunit kanya-kanya na sila ng buhay.

Kaya naman hindi maiiwasan ang pag-iisip ko, kung anong mayro'ng pamilya kami. Kukunin ko na 'tong pagkakataon habang wala sila. Ang mga nakikita kong larawan ay mga litrato ko at nila no'ng singgaan pa lamang ako ng tatlong kilong bigas.

Hanggang sa makita ko ang larawan na pinaka-iba sa lahat.

Si Ama ay nakatayo, sa kanyang tabi ay isang babae. Si Ina naman ay nasa gitna nila na mukhang kasing edad ko lang.

Nanginginig akong pinakatitigan ang larawan. Hanggang sa yumakap ang isang realisasyon.

"Kapatid ko rin si Ina?"

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon