Iba't-ibang uri ni Eba

72 2 0
                                    


Napukaw ang atensyon ko ng isang magandang dilag. Malastokolate ang kulay ng kaniyang buhok na hanggang balikat. Nagniningning din sa liwanag ang kaniyang kutis, nakasuot siya ng puting uniporme; isang nars, kahanga-hanga.

Napatingin naman ako sa kanan, isang dalaga muli. Hanggang bewang ang buhok, itim na itim ito. Animo'y pinagsaboy na kape at gatas ang kulay ng kaniyang kutis, may dalawa rin itong biloy sa pisngi. Napangiti ako habang sinisilayan siya, napakakyut.

Sa gawing kanan muli mga anim na inches ang layo mula sa dalagang may biloy, ay isang dalagitang may mala alon na kurba ang buhok, kaakit-akit ito. Sa kanilang tatlo ay siya lamang ang kakaiba ang kulay ng buhok, pinaghalong lilac at asul ito. Masarap ito sa matang titigan. Katamtaman din ang kulay ng kaniyang balat. At ang kaniyang ngiti... ang kaniyang ngiti ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Isang ngiting nakakahawa.

Hindi ko na inalis ang mata ko sa kaniya. Kaagad ko siyang nilapitan, nangangamba akong baka may ibang makalapit sa kaniya kaya't binilisan ko na ang aking kilos.

Nakahinga nalang ako nang maluwag ng mahawakan ko siya at kaagad na inilagay sa aking basket. Tiningnan ko ang presyo nito...

Siguradong magugustuhan ito ng aking pamangkin.

Badhi (Dagli)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon