What do you do usually at 7:00 a.m.?Kung nale-late kana at tinanghali ng gising, heto pareho kayo ng sitwasyon ng lalaking ito...
Si Park Jimin.
6:49 a.m.
"What the hell?! Shit! Shit! It's totally shit!"
Jimin's continuously cursed as he hurrying out from his bathroom. Shower droplets dropping from his wet hair, a white towel wrapped around on his waist, exposing nothing but his define milky tone-chest outcome from his strictly exercise routine and healthy life style.
Kung bakit ganito siya kung makapagmadali? Madaling araw na niyang natapos ang ginagawang pag-edit ng manuscript at higit sa lahat, makahabol ng bus bago pumatak ang 7:00 ng umaga.
Dumidiretso ang ruta ng naturang pampublikong sasakyan na iyun sa kanyang pinagtatrabahuhan kapag hindi pa ito nakalampas ng alas siyete ng umaga kung saan hindi na kailangan pa ni Jimin na bumaba sa susunod na bus stop at sumakay sa panibagong bus. Pabor ito sa kanya dahil hindi mabibitin ang pagbabasa niya ng libro.
Nagmamadali siyang bumihis at kaagad niya hinanap ang binabasang libro kagabi na agad niya nakita sa kusina.
Nakatihaya pa ang gitnang pahina nito sa ibabaw ng dinning table kung saan doon na rin siya nakatulog at inabutan ng umagahan.
Buhay niya ang pagbabasa kaya naman ngayon nagtatrabaho siya bilang manuscript editor sa isang sikat na publishing company.
Medyo may kalayuan ang naturang bus stop mula sa kanyang apartment at kung maglalakad si Jimin sa natural niyang paghakbang ay makakaabot siya ng sampung minuto.
Matapos malock ni Jimin ang apartment ay nagtatakbo siyang pumasok ng elevator. Doon na rin siya nagsuklay, hindi nag-abala na hanapin pa ang suklay sa dala niyang bag dahil hindi siya sigurado kung dala nga niya ito. Gamit ang daliri ay sinuklay niya ang buhok habang nakatingin sa repleksiyon sa elevator. Napakunot-noo siya ng may napansin sa sarili.
There's something wrong on him today.
That thing making him incomplete.
"Damn!"
Ang maayos niyang buhok ay muling nagulo ng asar niyang sinabunutan.
His black framed glasses!
Nakalimutan niya ang kanyang black framed glasses!
Ang overpriced piece of plastic na iyun ay hindi naman talagang necessity para kay Jimin pero commodity ito sa kanya sa oras sa pagbabasa ng libro since nearsighted siyang tao.
Gusto man niyang balikan ang salamin sa apartment ay hindi niya magawa dahil mas hindi na niya maabutan ang bus bago mag-alas siyete.
Malalim na lamang siya napabuntong hininga dahil sa inis at mas lalo siyang nainis ng makita ang huling bus na diretso ang ruta.
Nagtatakbo siya para mahabol ang naturang bus. Mabilis ito napuno dahil marami ding commuter na katulad niya ang gustong makahabol at makasakay.
Sa kabila ng kanyang paghihingal ay nagpatuloy siya sa pagtakbo lalo pa nagbabadya ng gagalaw ang gulong ng bus paabante.
"No.No. No." Nanlaki ang mga mata ni Jimin ng sa tingin niya ay hindi na siya makakaabot. "Fck."
Hindi siya tumigil sa paghabol at sa malakas na paghampas ng kamay sa gilid ng bus hanggat hindi tumitigil ang apat nitong gulong kaya.. sadyang minamalas siya ngayong araw.
"May sasakay pa!!"
Akmang malapit na siya sa pintuan ng bus nang may isang lalaki ang naunang sumakay sa kanya at nakabanggaan pa siya nito sa balikat dahilan para mabitawan ang hawak niyang hard copies manuscripts na pinagpuyatan niyang matapos na lumilipad ang ilang pages nang tangayin ng malamig na hangin.
Hindi nafastened ni Jimin ng maayos ang makapal na bond paper sa dala ng puyat at pagod na ginugol niya para dito. Akala niya kasi magigising pa siya pero araw at maliwanag na kusina ang sunod na masasalubong sa inakala niyang siya ay na-idlip lamang.
Nagawa pang tingnan ni Jimin ang ayos ng lalaki. Nakasuot ito ng black pants, black shoes at black cap. Lahat black liban lang sa suot na beige trench coat at blue haired na lumilitaw ang kulay mula sa itim na sumbrero ng walang galang na lalaki.
"Aishhh!"
Gustong bulwayan ni Jimin ang lalaking iyun na walang utang na loob, dahilan para makasakay ito imbis siya ang dapat pero mahina na lamang siya napamura sa gilid. Kung tutuusin ay maiiwanan ito ng bus kung hindi siya nagmatiyagang kinalampag para huminto at ngayon male-late na siya sa trabaho.
Natataranta na si Jimin kung ano ang uunahin niya, pupulutin pa ba niya ang nakakalat niyang manuscripts o hahabulin ang bus na sasara na ang pintuan nito?
Sa huli, mas pinili niyang pulutin ang mga manuscripts at minura ulit ang lalaking iyun na hindi man lang nagpasalamat.
Halos gustong-gusto na niyang magwala at magsisigaw matapos ang ilang manuscripts niya ay lumipad pa ang mga ito sa gitna mismo ng malapad na highway. Halos manlumo si Jimin nang magulungan ng tumatawid na mga sasakyan ang naturang mga printed papers at dumikit pa ang ilan nito sa mga gulong pero hindi lang iyun doon naaabot ng kanyang kamalasan, na-realize din niya kasabay ng mga manuscripts ay na bitawan rin maging ang bagong biling libro at naiwan sa doorstep ng bus.
Napauwang siya ng bibig nang makita ang lumalayong bus tangay ang kanyang libro na ngayon hindi niya alam kung maibabalik pa ba ito sa kanya.
Sa kamalasang nangyayari ay nanghihina napaupo na lamang siya sa sementong pedestrian lane habang naiiyak na sundan ang lumalayong bus.
"Ang libro ko..."
Napayukom siya ng dalawang kamay nang maalala ang lalaking iyun.
Makakasakay sana siya ng bus kung hindi lang sa walang galang na lalaki.
Ang blue haired na lalaking iyun ang may kasalanan para hindi na niyang mabasa ang libro, malate sa kanyang trabaho at higit sa lahat nauwi pa sa wala ang pinaghirapan at pinagpuyatan niyang manuscripts.
Ang lahat ng mga ito ay kasalanan ng walang utang na loob, bastos at manggagamit na lalaki na ang buhok ay kasing kulay ng gatorade.
"Starts now to dig your own grave as if I give even a single shit.. who.ever.you.are. gatorade guy."
~*~
BINABASA MO ANG
Before 7 AM✿y•min✔
Fanfiction❝I met a boy with a blue hair❞ - There are many things can happen while waiting for a bus at bus stop before 7:00 a.m. A Yoonmin ff. ©0613CafeLaTAE