"YOONGI HYUNG!" Malakas na sigaw ni Namjoon nang madatnan si Hoseok sa sahig at pinagsusuntok ni Yoongi.Ito ang eksenang sumalubong kay Namjoon pagkarating ng Cyphertape Studio matapos siyang tawagan ni Hoseok na pinaalam ang nangyari.
Mabilis niyang inawat si Yoongi. Nagwawala parin ito kahit gapos na niya ang kaibigan.
"Puta mo Hoseok nasa sayo lang pala! Bakit mo itinago ang cellphone ko ah?! Porque dyan ka lang nagiging tao at gumagwapo sa camera ko?! Ibalik mo yan sa akin kung ayaw mong sunugin ko ang buong kaluluwa mo!!"
Tumayo si Hoseok. Gamit ang likod ng kamay, pinunasan niya ang dugo sa gilid ng bibig. Kailan man hindi siya gumanti ng suntok kay Yoongi, iniinda niya ang sakit dahil mas nanaig sa kanya ang kondisyon ng nakatatanda.
Ayos lang kay Hoseok kung sa kanya ipabunto ang lahat ng galit ni Yoongi wag lang sa ibang tao dahil ano pa ang mangyari at kung saan pa mapaabot.
"Hyung, tama na..." mahinahong pag-awat ni Namjoon sa nagwawalang si Yoongi.
"Puta! Bitawan mo ako Namjoon! Hindi pa kami tapos ni Hoseok! Wag mong sabihin may kinalaman ka dito? Ha!" Sarkastikong tumawa si Yoongi bago madiin at blangkong tumingin kay Namjoon. "Bakit ang hilig n'yong pagkaisahan ako? Paano niyo nagagawa ito sa akin?!"
"Hyung, mali ka ng iniisip----"
"SHUT UP! Just cut the shit of your jams and admit na pinagkakaisahan nyo ako! Itinuri ko kayong mga kaibigan at kapatid p-pero... p-pero puta lang talaga... puta lang..."
Sabay bumagsak sina Namjoon at Yoongi sa sahig.
"HOSEOK ANO BA?!" Singhal ni Namjoon kay Hoseok nang malakas na suntukin nito si Yoongi. Mula ang tingin kay Namjoon ay lumipat ang tingin ni Hoseok kay Yoongi na ngayon ang dumudugo na rin ang gilid ng bibig.
"Pareho natin alam hyung na hindi kita kayang saktan pero sobra na ito eh... sobra mo ng sinasaktan ang sarili mo kaya dapat kailangan mo ng magising."
"Hoseok----"
"Tumahimik ka muna Namjoon! Kailangan ni Yoongi hyung na gumising sa katotohanan bago pa siya tuluyang mawala siya sa atin dahil sa lalaking yun! At sa depression niya!"
Mabilis naglakad si Hoseok kay Yoongi saka nito kinuwelyuhan. Hindi na umangal si Namjoon dahil may punto si Hoseok at sigurado siya na hindi nito masasaktan ang kaibigan.
"Yoongi hyung... labanan mo yan. Nandito kami para sayo.. hyung."
Malamig nagtaas ng tingin si Yoongi at malamig nagsalita.
"Si Taehyung ang kailangan ko. Hindi kayo... No other I need only Tae."
"HE CHEATED ON YOU!! THAT IDIOT CHEATED ON YOU!! KAYA LANG TUMATAGAL ANG RELASYON NIYONG DALAWA DAHIL PANG-DAESANG AWARD ANG GALING MO HYUNG SA PAGBULAG-BULAGAN AT PAGIGING MANHID MO! KAYA TAMA LANG NA UMALIS SIYA! NA IWAN KA NIYA AT TAMA LANG DIN NA---- "
" TAMA NA! HINDI KO NA ALAM! HINDI KO NA ALAM! HINDI KO NA ALAM!"
"YOONGI HYUNG! P*TA HOSEOK NAMAN! HYUNG!"
The next thing happened, they need to call Dr. Junmyeon, Yoongi's psychiatrist which lead Yoongi admitted to the hospital for several days for Yoongi's treatment.
"I'm sorry to tell this but Yoongi's condition is getting worsen. He's now getting on the stage of... "
~*~

BINABASA MO ANG
Before 7 AM✿y•min✔
Fanfiction❝I met a boy with a blue hair❞ - There are many things can happen while waiting for a bus at bus stop before 7:00 a.m. A Yoonmin ff. ©0613CafeLaTAE