00:31

348 18 0
                                    


06:34 p.m.   

Cyphertape Studio. 

"Talaga bang ayos ka lang dito, hyung?"

Nag-alalang tanong ni Namjoon sa katrabaho at kaibigang si Yoongi. Magpapaiwan ito sa studio dahil tatapusin pa nito ang arrangement sa ilang kanta.

"Bukas na lang yan, hyung. Hindi na tayo gaano kabusy bukas eh." Si Hoseok na ngayon ang nagsalita. Dala na ang lahat ng gamit at handa na rin umuwi pero katulad ni Namjoon ay nag-alala din siya sa kaibigan kung maiiwan ito mag-isa. 

Ayaw lang nila maulit ang dati. 

Isang assure na ngiti ang tinugon ni Yoongi. Napabuntong hininga ang dalawang lalaki saka tahimik na lamang umalis.

Mga ilang segundo pa si Yoongi napatitig sa dull glass door na nilabasan ng mga katrabaho bago umayos siya ng upo at idinikit sa dalawang tenga ang suot na fancy white headphone at nagpatuloy sa ginagawa.

11 minuto bago mag-alas siyete ng gabi natapos na rin sa pag-edit si Yoongi. Natipon na ang mga gamit, nalinis na rin ang kanyang lamesa at nakafile na rin sa kanya-kanyang mga folder ang mga music sheets nakasorted by alphabetically and type of genre.

Hip hop talaga ang original genre ni Yoongi pagdating sa music pero pagkalipas ng isang taon mas fumocus siya sa ballad at RandB na hindi niya ugali ang mabagal nitong rhythm at tempo at mas lalong gagawa ng isang melancholy music dahil..

... sa isang pangyayari, nagbago ang lahat. Isang taon na rin. 

Nakasandal ang kanyang ulo sa headrest kanyang swivel chair, mahina na itong iniikot, nakadikit parin ang fancy headphone sa magkabila niyang tenga, nakapikit at kalmado ang katawan nasa ganoong sitwasyon si Yoongi nang biglang namatay ang ilaw sa buong studio, hindi lang sa naturang studio maging ang buong building kung saan sila nagrerenta at buong syudad ng Seoul.

Brownout.

Marahan siyang napamulat ng mata at madilim na paligid ang sumalubong sa pagod na mga mata ni Yoongi.

Tumayo si Yoongi mula sa upuan para hanapin ang cellphone at maswerte nagawa pa niyang maalala kung saan niya ito huling inilagay.

Sa bulsa ng kanyang beige trench coat nakasabit sa likod ng dull glass door.

May naamoy siya... not his scent it was Hoseok's scent.

Yoongi doesn't mind about on it. Hoseok's perfume is not too strong kaya ayos lang kay Yoongi as long as hindi masakit sa ilong ang amoy.

Napakunot-noo siya sabay pagtagilid ng ulo nang makalimutan ulit kung ano ang password ng kanyang cellphone.

Sinubukan niya ang birthday pero hindi parin ito na-unlock.

Sinubukan din niya ilang possibilities na magiging password niya pero hindi parin bumukas.

Naiinis na si Yoongi sa kanyang sarili kung bakit nakalimutan niya ulit ang password.

Apat na digit number lang ang kailangan dahil nga sadyang makakalimutin siya ay nakalimutan na rin niya, may parati siyang dala na maliit na stationery kung saan nakalista ang lahat na mga mahahalagang bagay na madalas niyang nakakalimutan.

Napahilamos siya ng mukha nang maghihintay siya ng 30 seconds bago mag-input ng password.

Ini-off niya lamang ang cellphone. Hindi niya ibinulsa o inilapag instead hinawakan niya ito baka kasi makalimutan niya ulit.

Malalim na huminga si Yoongi bago naglakad palapit sa bintana, tanaw niya ang madilim na syudad liban lang sa Tower clock sa gitnang bahagi nito. Mula sa mataas na palapag ng gusali na kinatatayuan niya ay nanatanaw ni Yoongi ng malaking orasan at ang eksaktong oras.

7:00

.
.
.
.
.
.
.
.

7:01

Ang madilim na syudad ng Seoul ay sabay-sabay na lumiwanag kasabay ng buong Cyphertape studio.

Ngiting lumingon si Yoongi pero nawala kaagad ang ngiti niya ng makitang nag-iisa na lamang siya.

Inakala niya muling pinagkaisahan siya nina Namjoon at Hoseok na ang totoo ay nagpaalam na ang mga ito sa kanya na mauuna ng umuwi at nagtanong pa nga kung ayos lang naiwan siya.  

Pero maging iyun ay nakalimutan na rin ni Yoongi...      

~*~

Before 7 AM✿y•min✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon