7:18 p.m.Mabagal naglalakad palabas si Yoongi ng building kung saan nasa 8th floor, nakarenta ang Cypher Studio.
Kalahating nakapikit ang mata at hindi mawawala ang fancy white headphone. Nakikita niya parin ang dinaanan sadyang inaantok siya ulit ngayon.
Tinapat niya ang kamay sa bibig ng mapahikab. Napaubo siya sa lamig na hangin na pumasok sa kanyang lalamunan na tahimik siyang napamura.
Nahagip ng tingin ni Yoongi, ang isang silhouette na masayang kumakaway. Nakasandal ang lalaki sa nakaparada nitong itim na kotse sa katapat na gilid ng daan.
Kung may isang tao o isang bagay man na hindi makakalimutan si Yoongi ay yung ang lalaking masayang kumakaway sa kanya ngayon.
Si Taehyung at ang kanyang pagmamahal niya para dito.
"My kitten!"
Natili siya sa kanyang kinatatayuan, hindi parin nakapaniwala si Yoongi. Ilang metro lang, natatanaw niya ang five years relationship boyfriend na halos isang taon na rin hindi nakakasama buhat na rin sa pagiging model nito sa Paris sa sikat na company.
Ang kalahating pikit niyang mata ay mamulat ng husto at ang nakasarado niyang manipis na bibig ay napauwang. Ramdam ni Yoongi ang pagsingaw ng init sa kanyang mata, nakatuon ang buong niyang atensyon sa lalaking tumatawid, panandaliang kusang huminto ang pinapakinggan niyang music habang wala sa sariling nakatitig sa boyfriend na hindi matago ang malaki ngiti nito.
Involuntary gumalaw ang katawan ni Yoongi nang sabik siyang yakapin ng boyfriend. Bumilis ang tibok ng puso niya at ramdam ang bahagyang pagpait ng lalamunan sa dala ng emosyon mula sa mainit na presensiya ni Taehyung sa kabila ng malamig na paligid.
May katagalan ang pagyakap ng lalaki bago nagpataas ito ng ulo mula sa pagkasandal sa kanyang balikat.
Isang matamis at malaking ngiti ang nakikita ni Yoongi na ayaw niyang paring paniwalaan. Sa huling pag-uusap nila ay wala itong nabanggit na uuwi kaya heto ang dahilan kung bakit hindi niya kaagad paniwalaan ang nangyayari.
"Surprise? Hihihi...." Awkward nitong sabi na tila hindi malaman kung paano ipapaliwanag na bigla na lang siya lumitaw sa harap ng music composer. "Namiss kita, hyung. Sobra."
Nang mapagtanto ni Yoongi nandito nga ang boyfriend at nakikita niya ang rectangular smile nito, ang symmetrical face, ang coffee brown hair ay tago siya napangiti pero siya si Min Yoongi, ang isang bagay na hindi magbabago.
Imbis na yakapin pabalik ang boyfriend at mag-miss you too o mag-exchange ng soft and romantic words ay malamig niyang tinapunan ng tingin with questionable expression. "Kilala ba kita?" sabay pagtulak at lampasan.
Lumapad ang ngiti ni Yoongi ng simulan siyang habulin nito.
He really miss his clingy and peculiar boyfriend. Kim Taehyung.
*
7:34 p.m.
"Ako na naman ang mag-aadjust sa atin ah, Jiminnie?"
Naagaw ng pansin ni Yoongi ang inis boses ng lalaki sa likuran. Hindi niya nakikita ang lalaki dahil nakatalikod ito sa isang Kim Taehyung na todong nagpapacute sa kanya.
"Ang cute-cute ni Yoongi hyung... Para siyang kitten... Pakurot nga sa cute na kitten na ito."
Naputol ang atensyon niya sa nangyayaring sa kabilang mesa ng gigil siyang kinurot ng boyfriend sa magkabilang pisngi.
"Gusto mo bang mamatay, ah?"
Hindi siya sweet, tipong touchy, pacute o showy type of boyfriend pero nagagamit niya ang ganitong ugali para takpan ang kilig at makita ang galit at inis expression na lalong minamahal niya sa lalaki. Para kay Yoongi mas attractive ang mad and irritated expression ni Taehyung kaysa sa puppy eyes with full aegyo dahil sa tuwing makikita niya ito ay nakukulangan siya ng hangin.
Delikado siya sa innocent type ni Taehyung.
"Ayyyiiieeehh... matagal na akong namatay hyung. Nung bumangga ako sa puso mo ay dead on arrival na ako."
Biglaang nag-init ang buong mukha ni Yoongi. Para siyang teenager na muling kinikilig pero kagaya ng madalas na ipinapakita niya sa lalaki, pinatili niya ang cold face.
Gusto man niyang panatilihin ang mainit na daliri ni Taehyung sa malambot, makinis at maputi niyang pisngi, hinayaan niya lamang ang sarili na mabinitin.
"I love you, Yoongi-hyung."
Isang tipid na ngiti ang tinugon niya na agad din lumawak para makita ng kaharap ang buong set ng kanyang ngipin at gilagid. Hindi niya parin kayang tiisin ang baby and innocent face at bubbly personality ni Taehyung. Within five years ay Ang hindi niya maintindihan, may hindi na pamilyar na emosyon ang sandaling bumalot sa kanya nang marinig ang nauutal na boses na sigurado siya, ito yung kausap.
"S-Sorry..."
Napakurap siya ng mata nang may nagfinger snap sa tapat ng kanyang mukha, ang confuse at worried face ni Taehyung ang tumambad sa kanyang paningin.
Nawala siya sa kanyang sarili. Bago ito, dahil kailan man walang nakakaagaw ng pansin niya kundi si Taehyung lamang.
Sa mga sandaling iyun may ibang tao ang umaagaw ng atensyon niya, ni hindi nga niya nakikita ang mukha nito.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay sandaling nakalimutan niya si Taehyung.
"There's something bothering on you my kitten? Hmm?"
Umiling si Yoongi saka assure na sumagot."Pagod lang."
Napatango naman ang kaharap pero bakas parin ang pag-alala nito.
Mabilis napatayo si Yoongi sa upuan para hawakan sa magkabilang balikat si Taehyung ng muntikan ng mawalan ng balanse nang tumayo, nagpaalam mag-cr matapos magkabanggaan nito ang cherry red haired guy na diretsong lumabas na hindi inintindi ang nangyari.
"Gago yun ah." Pagmura ni Yoongi. Lilingon sana siya sa boyfriend, itanong kung okay lang ba ito nang may bumangga din sa kanyang balikat mula sa likuran.
A black haired guy.
Nagmamadali itong sinundan ang lumabas na lalaki.
"Jungkook!"
~*~
BINABASA MO ANG
Before 7 AM✿y•min✔
Fanfiction❝I met a boy with a blue hair❞ - There are many things can happen while waiting for a bus at bus stop before 7:00 a.m. A Yoonmin ff. ©0613CafeLaTAE