02:02

328 15 16
                                    

07:34 p.m.

Tumunog ang wind chimes nang buksan ni Jimin ng double door ng YNWA Café. Agad niya nahagilap ng kanyang tingin ang lalaking cherry red ang kulay ng buhok. Nakaupo ito sa dulo ng bahagi ng Café, malapit sa glass wall at nilalaro ng daliri ang hawak na kutsara.

Mula sa kinatatayuan ay nakikita ni Jimin ang hitsura nito, bored at kaunti na lamang ang natitirang pasensya. Wala ng nagbago nun. Sanay na si Jimin na ito ang makikita sa lalaki dahil alam niyang siya na naman ang dahilan.

Kalahating oras ng naghihintay ang lalaki. Naubos na niya ang in-order na caramel macchiato at nakakalahati na sa pagkain ng pangalawang order cheesecake dahil sa paghihintay niya sa pagdating ng lalaking iyun na sa ilang missed call ay nasagot din nito.

"Kookie."

Napaangat ng mukha ang lalaki kay Jimin mula sa pagsubo ng cheesecake. Nang magtama ang paningin nila ay umiiwas ito sa nakatatanda sabay bagsak ng kutsara, itinuon ang pansin sa labas ng Café.

Hinila ni Jimin ang katapat na upuan. Hindi siya muna kumuha ng order, gusto niyang makausap ang lalaki at humingi ng dispensa dahil sa paghihintay nito.

"Ako na naman ang mag-aadjust sa atin ah, Jiminnie?"

Nahimigan ni Jimin ang pagod at inis umpisa nitong tanong. Hindi na kailangan pa magtanong ni Jimin, ang paglate niya at hindi pagsagot sa ilang missed calls nito ay sapat na para tapunan siya ng ganitong klaseng treatment. "Hanggang kailan ba ako maging first priority mo ah, hyung?" Natawa ang lalaki. "Kahit siguro maaksidente ako ay mali-late ka parin ng dating kasi nga hindi ako ang first priority mo kundi ang pagiging manuscript editor. P*ta lang."

"S-Sorry..."

Mas natawa pa ang lalaki.

"Sorry? Kahapon kakasorry mo lang ah? Hindi ko alam kung ma-amused ba ako sa sarili kasi nakakaya kong bilangin ang mga sorry mo, hyung. Bilang na bilang ko na."

Doon tumingin si Jungkook sa nakakatanda. Nakatingin ito sa kanya, nanginginig ang bibig at mukhang may sasabihin pero pinipigilan lang nito.

Nasaktan si Jimin at gusto man niya humingi ulit ng sorry sa lalaki ay pinigilan niya na lamang na walang salita ang lumabas sa bibig baka mas lalong maging sarkastiko ito pero... hindi niya kayang manahimik lalo na alam niya na may kasalanan siya.

"S-S-Sorry.. T-Talaga..."

Pinipigilan ni Jimin na hwag maiyak.

"Kung parati na lang tayo sa ganitong set-up, mas mabuting magsettle down na tayo.Magpakasal na tayo, hyung."

Nanlaki ang mga mata ni Jimin at disbelief tumingin sa seryosong mukha ni Jungkook. Hindi niya inexpect na sasabihin ito ng lalaki.

Hindi mahagilap ni Jimin ang boses at natiling bahagyang nakauwang ang bibig, hindi paring makapaniwalang nakatingin kay Jungkook. Nang magsasalita na siya ay naunahan siya nito.

"Iwan mo na ang trabaho mo at fumocus kana sa akin at dahil doon magiging first priority mo na ako."

"Jungkook..."

"Isa pa, kapag gusto kitang kausapin, iwan mo muna ang libro, please hyung..
kausapin mo ako sa mata hindi sa pages. Magpakasal na tayo hyung at ako ang masusunod sa lahat."

"Pag-isipan mo---"

"Buo na ang desisyon ko, hyung." Mariin nitong sabi saka inabot ang isang kamay ni Jimin. Hindi alam ni Jimin kung paano niya kakausapin ang lalaki na hindi niya ito masasaktan.

Hindi pa siya handa.

"Magpapakasal tayo."

"Jungkook, hindi mo kasi maintindihan.." panimula ni Jimin. Nag-iisip parin siya kung paano ito ipapaliwanag sa lalaki at hindi masira ang limang taon nilang relasyon.

Masaya si Jimin dahil nagpapatunay lang ito na siya ang gusto makasama ng lalaki at ayos sa kanya kung ito man ang masusunod sa lahat pero may pinangangambahan si Jimin, natatakot siya ganoong klaseng commitment. Natatakot si Jimin na ang maging kahahantungan ng relasyon nila ni Jungkook ay matulad sa naging relasyon ng kanyang magulang.

"H-Hyung..." Nauutal na sabi ni Jungkook ng dahan-dahang inalayo ni Jimin ang kamay nito. "W-Wag mong gawin ito sa akin, please...? W-Wag kang magsorry, hyung. Wag kang magsorry hyung..."

Nagsisimulang uminit ang sulok ng magagandang mata ni Jungkook sa maaaring maging respond sa kanya ng nakatatanda.

"Jungkook..."

"W-Wag mo akong sagutin ng ganyan..." Dalawang kamay na ni Jimin ang inabot ni Jungkook, hinawakan niya ito ng mahigpit nagbabakasali wala siyang naririnig na ikakasaktan niya.

The younger boy doesn't wants to hear the older's sorry. Again.

Sunod-sunod ang mahinang pag-iling ni Jungkook nang dahan-dahang yumuko sa harap ang lalaki. Ayaw niyang makita ang nagiging reaksyon nito.

"I-I..." Ang nauutal at naiiyak na si Jimin. Ayaw niyang masaktan ang mas nakababata. Alam niya sa sarili kung gaano niya ito kamahal, hindi naman sila aabot ng limang taon kung sa wala lang.

Sa kabila ng paghawak sa kanya ni Jungkook ay napayukom siya ng kamay. Hindi ito naka-intertwine, sinakop lang ng malaking palad ni Jungkook ang dalawang maliit na kamay ni Jimin.

"H-Hyung... wag p-please...? Hyung naman.."

Napakagat ng labi si Jimin para hwag mapahikbi. Mahina na ring gumagalaw ang balikat niya sinyales kaunti na lang ay tuluyan na siyang mapapaiyak.

"Hyung..."

The older doesn't wants to hurt the younger one.

Pero sa huli, masasaktan niya parin ito.

"I-Im sorry..." Umiiyak na niyang sagot. "Im s-sorry..." Doon, binitawan ni Jungkook ang kanyang kamay.

Tuluyang bumagsak ang mga nakapundong luha ni Jimin sa kanyang pisngi. Mabilis ito dumausdos, pumatak at bumasa sa red sweat shirt nang marinig ang marahas na pag-atras ng upuan. Tahimik siyang nakayukong umiiyak.

Halos ilang karayom ang sabay-sabay na tumusok sa puso ni Jimin kasabay ng biglaang pagtigil ng kanyang paghinga sa sunod narinig mula sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Nasasaktang nakatingin.

Ang madiin at dismayadong boses ni Jungkook.

"Kahit kailan hindi ako ang first priority mo. Jimin."

~*~

Before 7 AM✿y•min✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon