06:32 p.m.
Daesang Publishing Company.
"Jimin, hindi kapa uuwi?" Tanong ni Seokjin nang masilip ang walang balak pang umuwi na katrabaho nitong si Jimin na abala sa harap ng desktop nito sa sariling cubicle.
"Gusto ko man hyung pero mauuna kana." Sagot ni Jimin na hindi lumilingon sa nakakatanda. "Maaga palang ay minalas na ako kaya naman... kailangan kong matapos ito ngayon."
Late ng dumating si Jimin sa kanyang trabaho at agad niya ipinaliwanag sa kanyang boss ang nangyari. Mabait si Mr. Bang Shi Hyuk sa mga empleyado nito kaya binigyan ng pagkakataon si Jimin na tapusin ang trabahong inatas sa kanya dahil doon hindi kaagad natapos ni Jimin ang ilang trabaho na naghihintay sa kanya na kailangang matapos niya ngayong araw para wala na siyang alahanin bukas.
"Wala ka atang dalang libro ngayon ah."
Napuna ni SeokJin nang walang libro nakapatong sa desk nito na madalas niyang napapansin kay Jimin.
"Absent ang anghel dela gwardiya ko, hyung."
Walang ganang sagot ni Jimin na ilang sandali ay napatigil siya sa pag-encode at nagtatakang lumingon sa kay Seokjin.
Napansin kasi niya ang pamamaos nito.
"Bakit ganyan ang boses mo, hyung may sakit kaba?"
Wala sa sarili napahawak si SeokJin sa kanyang lalamunan at mahinang hinagod nito ng nararamdaman na parang may nagstock.
"Sinisipon lang."
Two weeks palang naging katrabaho ni Jimin si Seokjin kaya wala pa siyang masyadong alam tungkol sa lalaki liban lang sa umaapaw nitong self-confidence at sa odd nitong pagtawa.
"Oh siya, mauuna na ako pero okay lang ba na iwan kita, Jimin?"
Dalawa na lamang sila ang naiwan sa opisina kaya nagtanong si Seokjin kung ayos lang ba na iwan niya ito kapag mauna siya maiiwan itong mag-isa.
Isang simpleng ngiti ang gumuhit sa labi ni Jimin bago humarap sa bagong trabaho na sinisilip parin siya sa gilid ng kanyang cubicle.
"Oo ayos lang ako, hyung." Marahan niyang sagot dito bago bumalik sa ginagawa. "Mauna kana para maasikaso mo ang kambal mo. Ilang taon na pala sila ni Odeng?"
Natawa ang kasama nito dahilan para muli mapalingon si Jimin.
"May nasabi ba akong nakakatawa, hyung?"
"Eh kasi naman..." Napatakip ng kamay sa bibig si Seokjin para maibsan ang tawa pero... hindi parin dahil sa naisip ng kasamahan ay anak niya ang dalawang maliit na hayop na iyun ay mas lalo siyang natatawa. "Sugar glider sila at wala pa akong asawa at anak. Binata pa ako."
Sa edad na 28, natiling di-pamilyado si Seokjin pero may apat na taon siyang kalive in partner, si Namjoon. Ang isang bagay na hindi pa alam ni Jimin.
Isang awkward na ngiti ang sunod na gumuhit sa labi ni Jimin sabay napahawak sa kanyang batok. "Sorry..."
"Ayos lang iyun. Sabagay parang anak ko na rin ang turing sa alaga." Tumayo si Seokjin sa upuan, dala ang gamit at handa ng umalis. "Ayos ka lang ba talaga dito? Mag-isa ka, Jimin."
Isang tango ang sinagot niya sa kasama. Ayos lang sa kanya ang maiwan mag-isa sa opisina mas pabor nga iyun para makafocus siya sa ginagawa at isa pa sanay mabuhay ng mag-isa si Jimin.
Divorce ang mga magulang niya at nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya. Ang masakit lang doon, nang tuluyang nagkahiwalay ay nakalimutan ng mag-asawa na mayroon silang anak naiwan, si Jimin.
Ang mahinang tunog nalilikha ng tumatakbong kamay ng wooden wall clock, ang ingay ng pagtipa ng keyboard at pagclick ng mouse, ang paghinga ni Jimin ang tanging nagbibigay ng ingay sa napatahimik na opisina nang nauna ng umalis ang kasamahan.
Sa wakas natapos niya na rin ang trabaho.
Napa-unat si Jimin ng dalawa niyang braso at napahikab bago ipinahiga ang ulo sa magulo niyang table. Nakakalat ng ilan niyang stationery at office materials, masyado siyang napagod ngayong araw kaya natatamad niyang ligpitin ang kalat.
Napabuga ng malalim na hininga si Jimin. Kung hindi sana naiwan sa doorstep ng bus ang kakabili niyang libro ay maiibsan sana ang pagka boredom niya ngayon at stress reliever din niya ang pagbabasa kaya naman kapag wala siyang binabasang libro ay mas lalo niya nararamdaman ang pagod sa katawan. Isang minuto palang ang nakakalipas ng pumikit ng mata si Jimin at tuluyang nakatulog. Sa himbing nga kanyang pagkatulog ay hindi man lang niya naramdaman ang biglaang pagbrown-out at muling pagliwanag ng buong opisina at ilang beses pagring ng kanyang cellphone.
~*~
------
lame. T^T

BINABASA MO ANG
Before 7 AM✿y•min✔
Fanfiction❝I met a boy with a blue hair❞ - There are many things can happen while waiting for a bus at bus stop before 7:00 a.m. A Yoonmin ff. ©0613CafeLaTAE