12 Stupid slave
"Cutie Pie sure na daw yung labas mo dito mamayang 12 am..Nabayaran ko na din yung discharge bill mo."- sabi ni Kuya habang hinahandaan ako ng pagkain.
" Kuya tanong ko lang ba't ba kapag dini-discharge madalas madaling araw?"-tanong ko ganun naman diba?
"Ewan ko pansin ko rin e."- sagot naman niya.
Pero may naisip rin akong good idea. Pano kung mamayang madaling araw ko simulan yung lokong yun? Tsk!
" Ah kuya pwedeng pakikuha yung mga damit ko sa bahay.Kung pwede damihan mo kung pwede ring lahatin mo na."- sabi ko.Napatigil naman siya sa kanyang ginagawa at hinarap ako sabay pamewang.
"Ba't mo naman na isipan ipakuha yung mga damit mo kung kailan makakalabas ka na?"- tanong niya.
" Basta kunin mo lang may pagagamitan lang ako."- ako.
"Wag na dun mo na lang sa bahay gamitin total uuwi narin man tayo." -tapos bumalik siya sa kanyang ginagawa.Ito lang talaga ang paraan.Huminga ako ng malalim tsaka ko siya hinarap.
"Please kuya.Please please.."- nililiitan ko pa yung boses ko na may kasamang puppy eyes. Bihira ko lang to ginagawa sa mga magulang at sa mga kapatid ko lang pinapakita.At wala ng iba.
"Hindi talaga kita matitiis kapag ginagamit mo na yang pag papa-cute mo.Ikaw talaga.."-then he messed my hair.
"Go kuya alis na go!"-taboy ko sa kanya.
" Sa'n mo kasi gagamitin?"- tanong niya pagkalabas.
---
"Oh ito na yung damit mo ha.."-sarcastic tone na bungad ni kuya.What the talaga bang sineryoso niya ang sinabi ko?Lahat na ata 'to?
"Seryoso lahat?"- takang tanong ko.
" Yes lahat even your dirty clothes sinama ko na rin."- nakangiti niyang sagot.
"Haishh.."- tanging naging sagot ko.
Teka pano ko naman makakausap
yung loko.?Patay ako nito!Hindi kasi nag iisip e!" Kuya pahiram ng cellphone mo."-sabi ko sa kanya sabay abot ng kamay ko sa kanya.
"Bakit?"-tanong niya.
" Basta may gagawin lang ako."-inis kong sagot sa kanya.
"Aanohin mo nga?"- tanong na naman niya.Tinignan ko lang siya ng seryoso.
Agad niya namang kinuha yung phone niya mula sa likurang bulsa ng kanyang pantalon tsaka niya 'to wi-nave sa harapan ko tila ba ng aasar.
" Segi na pa log-in lang.."-sabi ko.
"Saan ba yung sayo?"-kunot noo niyang tanong.
" Ewan ko baka na sa bahay."-sagot ko.Sabay hablot ng cellphone mula sa kamay niya.Tsaka ko siya nginitian.
Pagkakuha ko sa cellphone agad akong pumunta sa Facebook app.Nag log-in tapos si-nearch ang pangalan ng Kabuteng yun.
Buti na lang ay agad kong nahanap yung pangalan niya.Ganito ba talaga ka sikat yung lalaking to?Lahat ata ng post niya ay abot 3k yung likes kahit yung mga post niyang nakaka init ng ulo madami rin.May mga comments pa ng mga gagang babae.Kadiri lang tulad na lang ng babaeng to sa post ng lalaking yun nung nakaraang araw palang ata?
Comment
Kassy Melendes: My gosh papa Kyle your so hot talaga mula ulo hanggang paa.I wish maging akin ka!Lahat na siguro na babae in love na syo!!Kyahh!