30 level denying
Kyle's POV
Saturday...
"Ito na ba yun? "-tanong ni Raf kay Kenny.
Nasa NHA PHASE 1 kami ngayon kung saan naka tira yung Sofia.
"Oo ito na nga! "-sagot naman ni Kenny.
"Mag door bell na kayo! "-sabi ko sa kanila.
Lumapit si Az doon at nag door bell na nga.
"Wala atang tao? Sabado kasi ngayon! Baka may lakad? "-utas ni Raf.
"Subukan mo pa!Baka nandiyan lang yan!"-sabi ni Kenny kay Az, pinindot ulit ni Az yung door bell.
"Sino yan? "-isang babaeng mga nasa 30+ pa yung edad ang lumabas.
"Magandang umaga po! Dito po ba nakatira si Sofia Vergara? "-tanong ni Raf du'n sa babae.
"Anong kailangan niyo sa pamangkin ko? "-tanong ng Tita niya slash Her real mother.
"Ah nandiyan po ba siya? "-tanong ko.
"Ano ngang kailangan niyo sa kanya? "-medyo may inis na sa boses nito.
"Ah? Mga kaklase niya po kami.. May gagawin po kasi kaming project, tapos sabi niya dito na lang daw po kami gagawa! "-sabi ni Raf.
Nang sabihin ni Raf yun ay bigla na lang naging maaliwalas ang pag mumuka ng kanyang tita.
"Ah ganun ba? Sayang kaka-alis lang kasi niya.. "-sagot nito.
What the!?
"Saan po siya nag punta? "-tanong ni Kenny.
"Di ko alam eh! Pero sabi niya gagawa daw sila ng project! Di niya ba kayo nasabihan na sa ibang location na lang? "-tanong ng tita niya.
"Ganun po ba? Hindi po kasi eh! Pero okay lang po, tatawagan na lang po namin siya.. Segi po.. "-sabi ni Raf.
"Segi.. Sasabihin ko na lang sa kanya na nag punta kayo dito.."-naka ngiti pang sabi nito.
Bumalik na silang tatlo sa sasakyan habang ako ay lumingon pa ako sa bahay nila at tama nga ang suspetya ko na nasa loob lang yung babaeng yun! At hindi umalis.
"Saan tayo sunod? "-tanong ni Az habang nag mamaneho palabas ng village.
"Nasa loob lang si Sofia! Nag tatago! "-giit ko.
"Alam mo din pala.. "-utas ni Raf.
"Haist sa ginawa niyang pag tago mas lalo lang siyang naging guilty.. "-sabi ni Kenny.
"Du'n muna tayo sa Heights, Idul street! "-sabi ni Kenny kay Az.
-------
"Tao po!! "
"Tao pooooo!!! "
"TAOOOOOO!!! "
"Hoy! Umayos ka nga!! "-sabi ni Raf kay Az.
"Sino kayo!!! "-isang lalaki naman ang humarap samin ngayon.
"Nandyan po ba si Jasmien?! "-lakas loob na tanong ni Kenny.
"Wala! Umalis!!! "-sagot nito
"Eh wag muna kaming lokohin! Nandyan siya eh! "-sabi ni Az. Napa tawa tuloy ako ng mahina.
"Kuya!!!! "-sigaw ng lalaking na sa harap namin.
May lumabas namang isang lalaking mas malaki pa sa kanya.