CHAPTER 29: WARNING ⚠

324 21 0
                                    

    29 warning ⚠

"Ano?"-sabay sabay pa nilang tanong.

"Az akin na nga yung litrato ni Samantha diyan! "-utos ko. Nang mai-abot niya na ito sakin agad akong tumakbo at hanapin si Kara.

Sa Court.... Sa harap ng Court.....

Nang maka dating ako sa Harap nito ay nilibot ko yung paningin ko dahil wala akong makitang pandak na dragon.

"Bwesit!  Naisahan ako ng engot na yun! "

Tinungo ko din yung Narra Tree, nag papahinga siguro yun.

Takbo ako ng takbo hanggang sa napahinto ako dahil nakita ko na rin siyang naka upo sa kahoy na yun. Sa wakas.

"Hoy!! "-tawag ko sa pansin niya.

"Ikaw na naman!? "-bakas sa muka niya ang inis.

"Halika may importanti akong sasabihin sayo. "-mahinahon kong sabi.

Tinignan niya lang ako ng blangko tapos ilang saglit lang ay nag smirk siya sabay taas ng kilay.

"Loko ayaw mo pang maniwala? "-tanong ko sa kanya. Tanging iling lang ang naging sagot niya. Mas lumapit ako sa kanya at sapilitang hinila para maka tayo siya.

"Ganito.. Makinig ka.. Yung kausap mong babae kanina? Ito siya diba? "-sabi ko tapos ay ipinakita ko yung litrato ni Samantha.

"Oh!? Talagang sinusundan mo talaga ako 'no? Umamin ka!! "-bulyaw niya sakin.

"Engot! Hindi!! "-di maka paniwala kong sagot sa kanya.

"Hindi raw! Eh pano mo nalaman? "-naka tagpo na yung dalawa niyang kilay.

"Basta!  Ang dami mong tanong! Ito lang yung sasabihin ko sayo!.."-nag seryoso na ako ng sabihin ko ang mga yun. Pero itong kaharap ko?

Para lang siyang Special child na naka tayo sa harap ko.

"Kung makikita mo 'to ulit!. Mas mabuting lumayo ka na at wag mo na siyang kausapin!"-seryoso talaga ako ng sabihin ko yun.

"Ano?  Ano na namang pumasok diyan sa kukuti mo? "-tanong niya.

"Basta paniwalan mo na lang ako, kahit ngayon lang.. Please? "-giit ko.

"Patingin nga! "-sabi niya tapos ay hinablot niya yung litrato.

"Pagmasdan mo yang mabuti, tandaan mo ang pagmumukang yan! Kung makikita mo siya umiwas ka na ka-agad.. "-sabi ko tapos ay hinawakan ko yung magkabilang balikat niya.

Tinignan niya ako ng masama, kaya napabitaw agad ako.

Tss pero kung si Santos? Kahit sa bewang siya hawakan napaka okay sa kanya e ako?  Balikat lang naman yun!

"C'mon kabute!! Ang ganda ng babaeng 'to, ba't ko naman lalayuan? Jojowain ko pa 'to! "-naka ngisi niyang sabi.

"Naloko na.. "-sagot ko.

"Di mo ba ako naiintindihan? Ang gusto ko lang ay lumayo ka sa kanya, di mo ba na iisip na para sa kabutihan mo lang naman ang ginagawa ko! "-napataas ata yung tono ng boses ko.

"Hindi!!  Dahil di mo naman sinasabi ang dahilan!! Kung bakit ganito, ganyan! "-sagot niya nanaliksik na rin yung mga mata niya.

Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Maniwala ka lang sakin..Kahit ngayon lang.."-mahinang sabi ko.

"Ang drama mo!! Bahala ka diyan! Siguro gusto mo lang ipalayo ako sa babaeng yan, dahil gusto mo siya! Napaka selfish mo naman, may girlfriend ka na tapos may iba ka pang nagugustuhan!  Share your blessings naman dre! "-naka pouty lips niya pang sabi.

Napangiti ako bigla dahil sa naging reaction niya at dahil na rin sa sinabi niya.

"May pa-pouty pouty lips ka pang nalalaman!"-asar ko.

Biglang nag bago yung reaction niya mula sa cute ay naging bubugahing dragon na.

"Kidding.. "-sabi ko.

Tumingin siya sa taas ilang saglit pa yun..

"Nag iisip ka pa pala!? "-sarcastic kong sabi sa kanya.

"Ewan ko sayo!! "-tapos ay ibinalik niya sakin yung litrato ni Samantha. Tapos ay nag simula ng mag lakad.

"I'm Warning you! Please... "-pahabol ko sa kanya bago pa siya maka layo.
Humarap siya at tinignan ako ng blangko.

"Pag iisipan ko!! "-sigaw niya tapos ay tumalikod na at umalis na ng tuluyan.

"Ano bang gagawin ko para iwasan niya na nang tuluyan si Samantha? "

Napasapak na lang ako sa aking noo dahil di ko maisip kung ano ang gagawin at walang ideya na pumapasok sa utak ko.

Bumalik ako sa kotse kung nasan sila Raf at yung dalawa..

"Oh ano Ky?  Nakita mo ba si Samantha? "-agarang tanong ni Raf sa akin.

"Hindi naman si Samantha yung hinanap niya kung di si Paith.. Tama ako diba? "-sabi ni Kenny.

Tumango ako tapos ay pumasok na sa loob.

"Akala ko pa naman si Samantha yung hinanap mo!?  Eh anong ginawa mo sa picture niya? "-tanong ni Az.

"Pinakita ko lang kay Kara! I warned her that if they meet again she better ignore Samantha! "-sabi ko sa kanila.

"Oh tapos? "-(Raf)

"Pero ang loko.. Alam niyo kung anong sinagot niya sakin? Jojowain niya daw si Samantha! "-sabi ko tapos ay inilapag ko yung litrato ni Samantha sa upuan.

"Ibang klase talaga.. "-naging sagot ni Raf umiling iling pa ito.

"Anong plano mo ngayon?  Dumidikit na talaga si Samantha kay Paith.."-tanong ni Raf.

"Kung ako sayo pre! Hayaan mo lang si Paith! Total hindi mo naman problema kung mayroong mangyari sa kanya.. "-sabi ni Az.

Napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"Anong sabi mo? "-inis kong tanong.

"Tama si Az! "-sagot naman ni Raf.

"Raf? Ano ba?  Akala ko ba naiintindihan mo ko? "-na iinis kong tanong sa kanya.

"Nung una.. Pero ngayon?  Mukang a-agree muna ako kay Az.. "-seryosong sagot niya.

Naguguluhan ako sa mga naririnig ko sa kanila ngayon.

"Akala ko naiintindihan niyo ako?  Na kung bakit gusto kong protektahan si Kara..Pero akala ko lang pala yun.. "-sabi ko sa kanila.

"Nung una Kyle!  Na iintindihan namin yung rason kung bakit!  Pero na realize namin bigla.. Mukang ibang rason na kasi yung dahilan kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na 'to.. "-sabi ni Kenny sakin.

"Ano naman yun? "-takang tanong ko sa kanila.

"Amin-amin na lang ang mga yun!  Hindi ka rin naman kasi aamin! "-sabi ni Az.

"Nakaka disappointed kayo!! "-giit ko tapos ay padabog akong lumabas sa sasakyan.

"Puta!!  Nag tampo ka bigla!? Biro lang naman lahat yun!! "-tapos ay hinila agad ako ni Raf papasok ulit ng sasakyan.

"Ano!??! "-tanong ko.

"Biro lang lahat yung mga sinabi namin!  Syempre tutulungan ka pa din namin sa problema mo kay Samantha!  Para saan pa at naging mag kaibigan tayo? "-sabi ni Raf.

"Mga ugok kayo!!! "-sigaw ko sa kanila tapos ay binatukan ko si Az.

"Oh ba't ako lang?"-takang tanong niya.

"Eh syempre!  Ikaw lang yung pinakamalit sakin!! "-sagot ko.

"Napaka unfair mo talaga!! "-sabi niya pa.

"Hahahahaha!!! "

"Oy!!  Bell na!  Papasok ba kayo!? "-tanong ni Az samin.

"Syempre naman!! Papasok tayong lahat! Wag kang gagaya kay Kyle na nag Cutting class kanina! "-sagot ni Kenny sa kanya.

°°°°°°°°°°°°

Im Inlove With A BoyishWhere stories live. Discover now