his life was in danger..
Paith's POV
Nagising ako ng alas dyes na ng umaga.
Wala na si Mandy at tanging sinag na lamang ng araw ang nag papaliwanag dito sa loob.
Bumangon na ako at dumiritso na sa banyo upang makapaghilamos na ng mukha at nang maka baba na at kumain.
Nang mabasa ko na ang mukha ay bigla ko namang na alala lahat yung nangyari kagabi..
Sira ulong lalaki yun, pinakaba ako ng labis sa ginawa niya kagabi. Hinila niya ba naman ako sa stage at pinilit na kumanta. Ede ayon! Suntok sa mukha ang nakuha niya.
Nang matapos, lumabas na ako ng banyo at nag suot na ng jacket tsaka kinuha ang phone sa kama at lumabas.
"Hi Paith! "
"Oy Paith! Bagong gising ah! "
"Paith! "
Ano na namang nangyari sa mga taong ito at panay ang bati sakin? Siguro may ginawa na naman si Kabute.
Haisst..
Plano ko sanang maghagdan na lang, para naman kahit papaano makatikim 'tong katawan ko ng exercise, pero tinatamad ako kaya tamang hintay lang na bumukas ang elevator.
Ilang saglit lang ay bumukas na ito at walang laman.
"Perfect.. "-utas ko. Pumasok ako kasabay nang pag pindot sa numero uno.
Akala ko dirit diritso na yung baba pero talagang hinahamon ako ni tadhana.
"Ow look! Who's there? "-nakangiti pa ang babaeng trouble maker dala dala na naman yung mga kaibigan niyang nabubulok.
Hindi ko na sila pinansin at napag desisyonan na lumabas na lang at hintayin ang susunod na sakay. Para na din iwas gulo.
"Ba't ka lumabas? Takot ka ba? "-tatawa tawa niya pang tanong sakin.
"Hoy Nikk! Tumigil ka ha! Wag kang mag simula ng gulo! "-inis kong sabi sa kanya.
"Esshh! As far as we know.. Matagal mo nang sinimulan ang gulo.. "-singit pa ni Sanchez. Isa pang nabubulok.
"Gaano ba kalayo? "-tanong ko.
Kita ko sa kanilang mukha ang pagkalito.
Hahahahaha ako nga din naguluhan din sa tanong ko.
"Ahem.. Ba't 'di mo na lang pindutin yang close button para maka baba na kayo! Sayang lang yang swimsuit niyo kung masisira dahil sakin.. "-kung mataas ang IQ nila maiintindihan nilang nagbabanta na ako.
Kaso.. Ganda lang talaga ang nagpapa-iral sa kanila.
"Hindi pa kami nakakaganti sayo.. Dahil hanggang ngayon hindi pa nababalik ang mga nawawalang gamit namin.. "-taas kilay pang sabi ni Nikk.
"Teka nga.. Nag tanong ba ako? "-inis kong tanong sa kanya.
"Fuck you! "-sigaw niya sakin.
Sira ulo! Pumasok muli ako sa elevator dahil sa inis. Pinindot ko yung close button.
"Isa pang FY.. Lalabas yang esophagus niyo.."-banta ko sa kanila sabay ngisi.
"Nikk... Awat na.. "-hila sa kanya ni Galario.
"Tss.. Takot naman pala.. "-mahina kong tugon.
*ting*
"See'yah later.. Dear Chavez.. "-pahabol ni Nikk bago tuluyang lumabas.